^

PSN Showbiz

Anne kino-consider pa ring good year ang 2013 pero may pasabog daw na gagawin sa 2014

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May pasabog na project pala sa 2014 si Anne Curtis. Pero ayaw pang i-reveal ng source.

“Basta magugulat sila. Hindi nila ito ini-expect,” sabi ng kausap ko.

Magugulat daw ang fans sa magiging partner ni Anne sa nasabing project na hindi binanggit kung TV show, movie, or commercial ba. Basta raw abangan na lang natin.

Unforgettable for Anne ang 2013 dahil sa pinag-usapang insidente sa pagitan nila ni John Lloyd Cruz na naganap sa Prive Bar in the Fort sa Taguig City. Pero tapos na ang isyu ngayon at parang balik na sa normal ang lahat sa buhay ng actress/singer/TV host.

“Despite the controversies, I still consider it’s a good year,” sabi niya sa isang interview. “You can even say it ended with a bang. To those who supported me, especially my friends in showbiz who stood by me and understood me, thank you very much. But to those who bashed me, God bless you na lang po. I’ve definitely moved on and I’m ready to face the new year with so much optimism and energy. I’m sure it will be a good, no, a great year for me. Hello, 2014!” sabi niya pa sa interview.

Tuloy naman daw ang shooting nito ng movie na The Gifted with Cristine Reyes for Viva Films na si Chris Martinez ang direktor.

Bukod sa pelikula, tuloy daw ang panibagong major concert nito sa Smart Araneta Coliseum na malamang na ganapin sa Valentine’s Day.

Sinabi rin niya sa naunang interview na hindi naman siya nag-e-expect na magiging Dyesebel although, ayon sa source, kasama sa shortlist with Bea Alonzo and Julia Montes.

“Nothing is definite. I think pumipili pa sila kung sino talaga ang pinakabagay. Basta ako, I’m ready for anything. Let’s just all be positive,” sabi niya.

Chito at Neri mag-asawa na?

Ano naman at nagpakasal na nga ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ang girlfriend niyang si Neri Naig? Last Christmas kasi ay nag-post sa kanyang Instagram account ang bokalista: “Merry Christmas from Mr. & Mrs. Miranda.”

Actually, dapat lang talagang pakasalan ni Miranda ang girlfriend matapos na kumalat ang mga sex video nila.

Nakakahiya ang pinaggagawa niya sa girlfriend niya kaya dapat lang maging misis niya ito na kahit paano ay nagka-career nang lumabas ang malalaswang video.

Palibhasa’y walang dyowa, P-noy PSG ang ka-Christmas dinner

Mahirap talaga ang walang sariling pamilya o kahit dyowa man lang. Imagine si Presidente Noynoy Aquino nag-Christmas dinner, ang Presidential Security Group (PSG) lang ang kasama sa isang restaurant sa Trinoma Mall sa Quezon City. Ang sabi ng insider ng Mala­cañang na si IL, nagki-kill daw ng oras ang presidente dahil manonood ito ng show ni Noel Cabangon sa Cons­piracy Bar sa may area ng Tandang Sora, Quezon City kaya naisipang kumain kasama ang PSG.

Eh kung may girlfriend sana siya eh di sana hindi siya nagdi-dinner na mga taga-PSG ang kasama?

KC si Eugene ang matinding kalaban

Malalaman na ngayon kung mananalong best actress si KC Concepcion sa gaganaping awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malakas ang laban ni KC pero malakas din ang kalaban niyang si Eugene Domingo sa kanyang dobleng character na Kimmy Dora.

Kakaibang KC ang napanood sa pelikula, as in nagpaka-daring siya sa Shoot to Kill: Golden Boy na specifically for her kaya hindi siya nangiming gawin ang kissing scenes and action sequences at siyempre dramatic highlights ng movie na pinagbibidahan din ni Laguna Gov. ER Ejercito at dinirek ni Chito Roño na kasalukuyan nang palabas sa mga sinehan.

“This is by far the hardest project I’ve ever done. It makes all my pre­vious movies look like child’s play,” sabi ng 28 years old na actress.

Dumaan siya rito sa matin­ding training ng martial arts under a group of experts from Thailand that also worked with Angelina Jolie sa blockbuster movie na Salt. Meron din           siyang gun shooting and fighting lessons at dance lessons dahil isa nga siyang bar dancer.

Pero inuulit ni KC na hindi siya nag-e-expect ng award sa mga ginawa niya sa pelikula kahit sinasabi ni Gov. ER na siya na ang nagwagi.

“That would be awesome. But even if I don’t win I feel like I’ve already accomplished a lot in this movie. I’ve grown as a professional and as an actress. A lot of that I owe to Direk Chito who really pushed me to bring out my best.”

Samantala, wala pang alam si KC kung anong next project niya sa ABS-CBN at ayaw niyang mag-react sa sinasabing siya na ang susunod na Dyesebel dahil wala naman daw formal offer.

Kapuso stars magsasama-sama sa countdown to 2014

Bongga ang gagawing pagsalubong ng GMA Network sa 2014 — Countdown to 2014: The GMA New Year Special — sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard, Pasay City.

Dadalhin ang bawat Kapusong Pinoy ng countdown special sa festival tour of the Philippines showcasing costumes and sights and sounds of Luzon, Visayas, and Mindanao kasama ang mga sikat na artista ng network.

Magbubukas ang show ng grand showcase ng official entries in the World Costumes Festival, featuring indigenous costumes from regions modeled by Kapuso artists. Feast your eyes as they also show off their fashionable, modern and inspired outfits from various designers from all over the country. At meron din song and dance numbers.

Joining in the festivities are Christian Bautista, Rocco Nacino, Glaiza de Castro, Mark Herras, LJ Reyes, Andrea Torres, Katrina Halili, Enzo Pineda, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin,  Max Collins, Sef Cadayona, Yassi Pressman, Wyn Marquez, , at Anak Ko ‘Yan’s Dranrei Mansueto and James Wright plus performan­ces from famed Kapuso singers Kris Lawrence, Gian Magda­ngal, Julie Anne San Jose, Maricris Garcia, Aicelle Santos, and Janno Gibbs.

Kapuso fans will also get to see on-screen sweethearts Bea Binene and Jake Vargas; Thea Tolentino and Jeric Gonzales; Louise Delos Reyes and Alden Richards; and Carla Abellana and Geoff Eigenmann.

Of course, the celebration will not be complete without GMA’s very loyal and star builder German “Kuya Germs” Moreno.

Makiki-join din sa huling oras ng 2013 in chanting and singing ang street dancers from Sinulog, Dinagyang, and Ati-Atihan Festivals performs.

Kaya sa mga walang planong maghanda sa bahay at mas gustong salubungin ang bagong taon sa labas, maki-join na sila sa Countdown to 2014: The GMA New Year Special airing at 10:45 p.m. in GMA.     

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

KAPUSO

NEW YEAR SPECIAL

NIYA

PERO

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with