^

PSN Showbiz

Abangan sa 2014: Komedyante na matagal na matagal nang may non-showbiz dyowa, gusto nang maglantad ng kabaklaan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Jennylyn sa Quiapo na lang ipinamigay ang nakolektang relief goods, planong trip sa Tacloban walang nangyari

PIK: Sa Christmas party ng Akin Pa Rin ang Bukas nung isang gabi, iba na ang ipinapakitang closeness nina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Sa mga ipino-post ni Rocco sa kanyang Instagram account, laging may nakalagay na “lovi-it!” sa caption. Pero kahit ganun sila ka-close, special friendship pa rin ang sinasabi nila.

Pero kung tatanungin mo ang mga co-star nila sa Akin Pa Rin ang Bukas, may malisya na ang mga sagot nila.

PAK: Hindi na natuloy ang pag-alis ni Jennylyn Mercado patungong Tacloban City sa Leyte para madalaw ang mga kamag-anak niya roon at mamigay ng relief goods.

Hindi raw sila makakuha ng schedule sa C130 para ipadala ang relief goods.

Sa halip na ipadala sa Tacloban, pumunta si Jennylyn sa Quiapo, Manila nung nakaraang Biyernes para roon na niya makita ang ilang kamag-anak na galing Tacloban para ipamigay ang nai­pong relief goods.

Sa rami ng nadala niya, ipi­na­migay na rin niya ito sa mga taga-Quiapo.

BOOM: Hindi makapaniwala ang ilang kaibigan nitong komed­yante na gusto nang mag-out sa kanyang pagka-bading.

Ang tagal na raw ng relasyon nito sa kanyang non-showbiz girlfriend na ikinagulat nila ang paghihiwalay.

Hindi lang daw nila alam kung ini-open nito sa kanyang girlfriend ang tunay niyang nararamdaman dahil kahit sa ilang kaibigan ay nagtapat na raw si komedyante.

Abangan na lang sa 2014 ang pag-amin nito at ewan ko lang kung masa-shock pa ang publiko ’pag umamin na siya dahil hindi naman yata isyu sa mga tao kung ba­ding siya o tunay na lalaki.

vuukle comment

AKIN PA RIN

BUKAS

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LOVI POE

PERO

ROCCO NACINO

SA CHRISTMAS

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with