Robin ayaw magpa-pressure sa awards
Kung si Robin Padilla ang tatanungin, mas gusto niyang kumita sa takilya ang 10,000 Hours hindi lamang dahil siya ang bida kundi napakaganda umano ng pagkakagawa ng pelikula na dinirek ni Bb. Joyce Bernal. Ito bale ang first action-drama movie na dinirek ng box-office director. Ayaw ni Binoe magpa-pressure pagdating sa awards pero kung magkaka-award ang kanilang pelikula, magiging masaya siya.
Dahil sa social message ng pelikula, gusto ni RoÂbin na mas marami ang makapanood nito kaya umaasa siya na ito’y tatangkilikin ng mga manonood. Gusto rin niya na makabawi ang mga batang producer ng pelikula na sina Neil Arce at Boy 2 Quizon para sila’y makapagpatuloy sa pagpa-produce ng pelikula na makakatulong sa industriya.
Samantala, kung proud si Robin sa 10,000 Hours na inspired sa buhay ni dating Sen. Panfilo Lacson, hindi niya ikinakaila na proud ang mga Padilla sa tinatamasang kasikatan ngayon ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla, anak ng kanyang nakatatandang kapatid na si Rommel Padilla sa singer-actress na si Karla Estrada.
Marian sikat na sikat sa Vietnam
Kung ang sikat na balladeer na si Christian BauÂtista ay sikat na sikat sa Indonesia, Malaysia, SinÂgapore, at ibang Asian countries, ang GMA primeÂÂÂtime queen na si Marian Rivera naman ay sikat na sikat sa bansang Vietnam at patunay rito ang mainit na pagtanggap sa kanya nang bumisita siya sa nasabing bansa kamakailan lamang. Sikat din sa Vietnam ang nobyo ni Marian na si Dingdong Dantes at ibang Kapuso stars.
Kamakailan lamang ay si Marian ang napiling Best Foreign Artist sa Face of the Year 2014 sponsored ng isang TV station sa Vietnam. Dahil sa pagiÂging mainit ni Marian sa Vietnam, may posibilidad na makipag-tie up ang Vietnam TV sa GMA Pinoy TV para makagawa ng serye ang nobya ni Dingdong na sa Vietnam mismo kukunan at makakatrabaho niya ang ilang Vietnamese personalities. MaÂrian admits na napakaganda ng taong 2013 para sa kanya at umaasa siya na sana’y magtuluy-tuloy ito sa taong 2014.
Winwyn umaasang hindi mabuburo sa pagkokontrabida
Mukhang ginu-groom na bagong kontrabida actress si Winwyn Marquez, anak ng stranged couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno. Kontrabida ang role ng dalaga sa Dormitoryo at muli siyang gaganap na kontrabida sa bagong sisimulang serye ng GMA, ang Kambal Sirena na pagbibidahan ni Kim Rodriguez.
Although natsa-challenge si Winwyn sa kanyang pagganap na kontrabida, umaasa pa rin siya na mabibigyan din siya ng break na magbida balang araw.
Just like her aunt na si Melanie Marquez (Miss International 1979), malaki rin ang posilibidad ni Winwyn na sumali sa isang beauty pageant pero hinÂdi pa umano sa ngayon dahil naka-focus ang kanÂyang attention sa kanyang showbiz career. Bukod sa kanyang auntie na si Melanie Marquez, gusto ring tuluran ni Winwyn sina Ruffa Gutierrez at MeÂgan Young na nag-showbiz muna bago sumali sa beauty contest. Ruffa won 2nd Princess sa Miss World at Miss World title naman ang nasungkit ni Megan.
- Latest