^

PSN Showbiz

Bimby inilaglag na ang pagiging Yap

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na pala talaga ginagamit ni Bimby, anak nina Kris Aquino at James Yap, ang apelyidong Yap. James “Bimby” Aquino na ang ginamit ni Bimby sa pelikula niyang My Little Bossings sa opening and closing credits ng pelikula na launching movie ng bagets na ang cute-cute sa pelikula.

Manood pa kaya ang basketbolista ng pelikula ng kanyang anak na tsugi na ang apelyido niya?

Mga pirata nagmamasid na sa MMFF

Showing pa sa SM Megamall Cinema 7 at Glorietta 4 Cinema 1 ang mga pelikulang kasali sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) New Wave–Full Feature. Nag-umpisa ito noong Dec. 18.

Kasama sa pinalalabas hanggang bispiras ng Pasko, Dec. 24, ang mga pelikulang Dukit, Mga Anino ng Kahapon, Saka Saka, Island Dreams, at ang Ang Maestra. May kanya-kanyang oras lang ang bawat pelikula, so, hindi buong araw ang isang movie. Masyado sigurong limited ang audience kaya ganun.

Ang mga kasali naman sa Student Short Films ay ang Gapos, Hintayin Mo Ako Sequence 24, No Filter, Ang Paglisan, Ang Huling Balikbayan Box, Ang Lalong ni Kulakog, Gayuma ni Maria, Kaleh and Mbaki, Mamang Pulis, at Origin of Mang Jose. Pero hindi yata ito ipinalalabas sa mga sinehan dahil wala akong nakitang sinehang pinaglalabasan ng mga nabanggit.

Anyway, may inilabas na ring passes ng MMFF at may nakalagay na itong Not For Sale – malalaki ang letra – at hindi ito ang dating hitsura ng passes. Sana nga ay hindi na ito mapeke dahil kawawa naman ang mga producer na namuhunan sa mga pelikula kung makakalusot ang mga pekeng passes.

May nahuli nang ilang namemeke kaya sana ay wala silang gala­may na nag-o-operate na nagbebenta pa ng passes na hindi galing sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang babantayan na lang ngayon ng taga-MMDA ay ang mga mag-a-attempt na magpa-pirate sa walong pelikulang kasali sa MMFF. 

Wala pa akong naririnig na plano ng Optical Media Board (OMB). Or baka naman tahimik lang silang nagtatrabaho. Baka makalusot ang mga pirate at makapaglabas agad ng mga version nila.

Kahapon ginanap ang Parade of Stars at dahil Linggo ay dinagsa ng fans.

Magaganda ang mga float at alam mo talagang ginastusan lalo na ’yung sa Boy Golden, Pedro Calungsod, 10,000 Hours, at kahit ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. At ang pinakamukhang walang gastos ay ang Kaleidoscope World na walang-wala ring publicity. Ang duda nga nila, baka ito ang mag-first and last day dahil nga wala namang alam ang mga tao kung anong pelikula ito.    

ANG HULING BALIKBAYAN BOX

ANG LALONG

ANG MAESTRA

ANG PAGLISAN

BIMBY

BOY GOLDEN

FULL FEATURE

HINTAYIN MO AKO SEQUENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with