Karylle pipi sa kasal sa Marso
Si Karylle rin, hindi malaman kung kukumpirmahin o itatanggi ang napapaÂbalitang pag-iisang dibdib nila ng bokalista ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon sa Marso. Kahit isang simpleng oo o hindi ay hindi nito masabi sa mga nangungulit sa kanya tungkol dito. Para makaiwas ay nagsabi na lamang ito na kapag nangyari ang kasalan ay siya mismo ang kukumpirma nito. Siya rin ang magsusulat tungkol dito.
Sige na nga! Kung ang kanyang inang si Zsa Zsa Padilla ay nagsabing wala siyang alam tungkol sa pag-aasawa ng kanyang panganay, kayo pa kayang miron lamang ang magkakaro’n? ObÂvious na gustong gawing napaka-pribado ng singer ang tungkol dito.
Rhian at KC nagbalikan?
Ano’t naghiwalay pa sina KC Montero at Rhian Ramos kung ganyang gusto nila ay palagi pa rin silang magkasama? Sinasabi ng dalawa na gusto pa rin nilang mapanatili ang kanilang pagiging magkaibigan.
“Wala kaming bad blood na namamagitan sa amin kaya walang dahilan para mag-iwasan kami,†sabi ni Rhian na siyang pasimuno kaya mapapanatili nila ang relasyon nila. “We had a good breakup.â€
Kahit ayaw nilang sabihin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, wala na sila. Ang nananatili na lamang ay isang pagkakaibigan na pipilitin nilang manatili hangga’t makakaya nila.
“But I’m not closing my doors,†anang aktres sa tanong kung simula na ba ito ng kanilang balikan.
’Kaloka, hindi ba?
Juday magta-trabaho kahit mabuntis uli
Paano mo mapatutunayang nagkakalabuan ang mag-asaÂwang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung ganyang this early ay nagpaplano na silang sundan ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho? Kahit maganda ang takbo ng career ni Juday ngayon at balitang tinatalo ng palabas niyang Bet On Your Baby ang Picture! Picture! ni Ryan, payag pa rin siyang mag-host ng programa kahit na magbuntis siya.
Inaamin naman ng magaling na aktres na ang pamilya niya ang prayoridad niya, pangalawa lamang ang pag-aartista niya.
- Latest