Mga pinagsasabi ni Gretchen pinaniniwalaan?!
Marami ang naniniwala na gusto lang talagang maÂpabuti ni Gretchen Barretto, nila ni Marjorie BaÂretto, ang kapatid nilang si Claudine Barretto kaya sila tumetestigo laban sa bunso. Obviously, nagÂkakaisa silang magkakapatid. May kasama pa silang isang kapatid na lalaki, na mas makatutulong sila kay Claudine kung ilalabas na nila ang problemang pinakatatagu-tago nito.
Tutal naman ay nakapag-rehab na ito na isang patunay na gusto naman nito ng pagbabago, kahit hindi sang-ayon ang kanilang mga magulang, na sana ay maisip din na tulungan ang bunso nila para makabalik ito sa kanyang trabaho at tuluyan nang magbago.
Ryzza Mae naalalayan ni Boots sa pagkukuwento ng love life
Nung isinalang sina Boots Anson Roa at ang abogadong kanyang mapapangasawa para interÂbyuÂhin ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang show, akala nga’y nakagawa ang TAPE, Inc. ng isang malaking pagkakamali. Bakit mo nga naman ipagkakatiwala sa isang bata ang pakikipag-usap sa dalawang may edad ng tao na naghahanda para sa kanilang ikalawang paghaharap sa altar?
To Ryzza Mae’s credit ay naging very entertaiÂning ang takbo ng pag-uusap at bukod sa maraÂming nalaman ang mga manonood sa dalawang ikaÂkasal, naibahagi pa rin ng dalawa ang kanilang magandang kuwento ng pag-ibig, ang katotohanan na wala sa edad ang ikagaganda ng isang relasyon kundi nasa puso.
Nagawang makipaglaro ng dalawa sa kanilang interviewer at humanga ako sa ginawa nilang pag-alalay sa child star.
Kris papagitna sa away ni Melai sa mga kaibigan
Napakaganda rin ng baby shower na ipinagkaloob ni Kris Aquino sa kanyang programa sa TV sa kakakasal na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Suwerte ng magiging anak ng dalawa.
Sana naman ay mawala na ang animosity na nasa pagitan ng mga bagong kasal at ilan nilang kaÂibigan. Mahirap ’yung hindi sila nagkakasundo. Paano kung magkaro’n sila ng proyekto na kailaÂngang magkasama sila?
Dapat bati-bati na sila. If Melai and Jason can not start it, puwede siguro silang tulungan ni Kris.
- Latest