Willie gustong manghingi ng tawad para magka-career uli sa ABS-CBN
Napababalitang may plano na diumanong bumalik ni Willie Revillame sa Kapamilya Network matapos mamaalam sa ere ng programa nito sa TV5 ilang buwan na ang nakalilipas.
“Sa totoo lang, kung babalik ako sa ABS-CBN, gusto ko pa rin ang Wowowee. Wowowee pa rin,†bungad ni Willie. “Parang Wowowee pa rin. Opening, sumasayaw, kumakanta. Gusto ko nakikita ’yung mga nanay, lola, at nagbibigay ng papremyo, ng jacket, bigay ng cell phone, bigay ng pera, ’yun ang gusto ko.â€
Umaasa raw ang TV host-comedian na magkakaayos din sila ng pamunuan ng dati niyang programa sa Channel 2. “Ako naman, wala naman akong hinanakit eh. Kung nangyari man ’yon, puwede naman akong magpakumbaba, humingi ng tawad kung sino ang nasaktan, kung sino man ‘yan,†paliwanag ng TV host. “Kung nagkamali ako, pasensiya na. Gano’n talaga. Masyado lang akong nagko-concentrate sa prograÂmang ‘yan (Wowowee), maliit na bagay naaapektuhan ka. Eh sa akin balewala na ’yan. Kung tatanggapin ako, okay. Kung hindi, gano’n din naman eh.â€
Madalas pumunta ang aktor ngayon sa Wil ToÂwer Mall na katapat lamang ng ABS-CBN. Isa ito sa kanyang mga naipundar na pag-aari noong nasa Kapamilya Network pa nagtatrabaho.
“Wowowee ang nagbigay sa akin ng lahat ng ito. During the time na nasa ABS-CBN ang Wowowee do’n ko nabili ‘tong tatlong lupa na ’to, sabay-sabay. In a span of one month, binili ko ’to sabay-sabay. Binayaran ko ng cash,†kuwento pa niya.
Gretchen mahal si Claudine kaya tumestigo
Naging kontrobersiyal ang pagsama ni GretÂchen Barretto sa bayaw na si Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court noong Huwebes para tumestigo laban sa bunsong kapatid na si Claudine Barretto.
“It was very emotional for me kasi siyempre babalikan mo lahat ng naging nightmare sa buhay namin. Pero kailangan gawin. I’m hoping that later on, when Claudine is in a better state, she will be thankful,†pahayag ni Gretchen.
Ginagawa raw ng aktres ang lahat ng ito dahil inaalala at mahal talaga niya ang bunsong kapatid.
“I love her with all my heart. Kung hindi ko siya mahal, wala ako rito. Mas gusto ko nandito si Claudine dahil gusto kong malaman niya kung gaano ko siya kamahal at kung bakit ko ito ginagawa,†paliwanag ni Greta.
Ipinapanalangin daw ngayon ng aktres na sana ay maging maayos na rin ang buhay ni Claudine.
“Pinagdarasal namin that she gets the treatment that she needs para maaÂyos ang buhay niya, para maging safe siya, mga tao sa paligid niya, most especially mga anak niya,†giit pa ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

- Latest