^

PSN Showbiz

Mga isinaling ‘Pinoy’ films sa Oscars, bagsak!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang sad. Sa tatlong pelikulang may Pinoy flavor, wala man lang nakasali sa short list ng best foreign language film ng Oscars.

Ang Transit ang napiling pelikula ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ipadala doon. Starring sa Transit si Jasmine Curtis.

Lahat naman Pinoy ang nasa cast nang ipinadala ng UK na Metro Manila na kuwento ng kahirapan ng mga Pinoy na sinulat at dinirek ng Briton na si Sean Ellis.

Pangatlo ang Ilo-Ilo na napili ng Singapore na kuwento ng isang nanny na Pinay and directed by Anthony Chen na nakita ang struggle ng kanyang among Singaporean nang magkaroon ng financial crisis.

Buti pa ang Cambodia, nakapasok. Hindi mo aakalain na mauunahan pa tayo ng Cambodia.

Narito ang siyam na pelikulang napili ayon sa report ng Agence France-Presse:

The Broken Circle Breakdown (Belgium) director Felix van Groeningen.

An Episode in the Life of an Iron Picker (Bosnia and Herzegovina) director Danis Tanovic.

The Missing Picture (Cambodia) director Rithy Panh.

The Hunt (Denmark) director Thomas Vinterberg.

Two Lives (Germany) director Georg Maas.

The Grandmaster (Hong Kong) director Wong Kar-wai.

The Notebook (Hungary) director Janos Szasz.

The Great Beauty (Italy) director Paolo Sorrentino.

Omar (Palestine) director Hany Abu-Assad.

Kris matutupad na ang pangarap na maging presidente

Matupad kaya ang balak ni Kris Aquino na maging presidente ng isang network?

Ito ay dahil malakas ang bulung-bulungan na siya ang napipisil na mamuno sa GMA 7 oras na magkaroon ng pormalidad ang sinasabing buy out ng Smart Communications sa Kapuso Network.

Maaalalang noong November ay nagkaroon ng pronouncement si Kris sa kanyang programang Kris TV na pangarap niya ang maging president ng network tulad ni Ms. Charo Santos-Concio, ang kasalukuyang president and CEO ng ABS-CBN.

In fairness, walang sinasabi si Ms. Aquino na hindi natutupad. Kaya mara­ming naniniwala na matutupad niya ‘yun.

Lilybeth rasonable opisyal na ang pagiging SVP

Inanunsiyo ng GMA ang promotion at appointment ni Ms. Lilybeth G. Rasonable bilang Senior Vice President for Entertainment Group.

Taong 1998 nang unang naging bahagi ng GMA si Rasonable at una nang nanungkulan bilang Program Mana­ger, Assistant Vice President at Vice President for Drama ng Entertainment Group.

Malaki ang naging papel niya sa pagbuo ng ilan sa mga pinaka-matagumpay na GMA dramas tulad ng Mulawin, Encantadia, Darna, Majika, Captain Barbell, Marimar, Dyesebel, Amaya, Munting Heredera, My Husband’s Lover, at marami pang iba.

Bago siya naging SVP for Entertainment, pinangasiwaan niya ang produksiyon ng mga entertainment programs na karamihan ay naging mga top-raters sa kani-kanilang mga timeslots. Patuloy niyang pamamahalaan ang day-to-day operations ng Entertainment Group.

Dahil sa kanyang malawak na karanasan sa Kapuso Network at sa kabuuan ng industriya ng entertainment, buo ang tiwala ng top management ng GMA na mahusay niyang pamamahalaan ang mga departamento sa ilalim ng kanyang pamamalakad.

 â€œGiven her vast experience with the company and the entertainment industry, we trust that she can effectively lead the diffe­rent departments under her supervision,” ani GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon. “She has our full support as she enters this new chapter in her career.”

Si Rasonable ay nagtapos ng Broadcast Communication sa University of the Philippines Diliman.                                                              

AGENCE FRANCE-PRESSE

AN EPISODE

ANG TRANSIT

ANTHONY CHEN

DIRECTOR

ENTERTAINMENT GROUP

KAPUSO NETWORK

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with