KC hindi nangingitim kahit magbabad sa beach
Ang ganda-ganda ng kutis ni KC Concepcion at napagmasdan ko ito nang magkita kami noong Huwebes sa isang restaurant sa Quezon City.
Namana ni KC ang makinis na balat ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Pareho sina Gabby at KC na hindi nangingitim kapag nakababad sila sa beach. Namumula lang sila pero hindi umiitim ang balat. Kinaiinggitan ang no pores na kutis ni KC na tuwang-tuwa nang ipakita ko ang litrato nila ng kanyang ama na kuha sa Anilao beach sa Batangas noong bagets pa siya.
Gamit ang kanyang cell phone camera, kinunan ni KC ng picture ang litrato na ipinakita ko sa kanya para may kopya siya.
Mga pinoy masokista
Naranasan ko kahapon ang nakapagdurusa na trapik sa EDSA at C5 dahil dumalaw ako sa puntod ni Rudy Fernandez sa Heritage Park, Taguig City.
Totoo ang tsismis, super mega overacting ang trapik sa buong Metro Manila dahil hindi gumagalaw ang mga sasakyan.
Sa true lang, masokista rin ang mga Pinoy. Panay ang reklamo nila na matrapik sa Metro Manila pero imbes na manatili sa bahay, sige pa rin ang kanilang pagrampa.
Nakadagdag problema sa trapik ang pag-ulan dahil lalong nagkabuhul-buhol ang sitwasyon. Pinag-iingat ang lahat dahil usung-uso ngayon ang ubo, sipon, at lagnat na dala ng pabagu-bagong panahon. Mainit na mainit sa umaga pero kulimlim, malamig, at umuulan tuwing hapon hanggang gabi.
Ryzza Mae at Bimby excited nang pumarada
Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang My Little Bossings, ang pelikula nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, Jr.
Happy ang cast at producers ng My Little Bossings sa grade na ipinagkaloob sa kanila ng CEB. Binigyan din ng G classification ang pelikula. Ang ibig sabihin, puwedeng-puwedeng panoorin ng maliliit na bata ang faÂmily movie ng OctoArts Films, M-Zet Films, Kris Aquino Productions, at APT Entertainment, Inc.
Bukas na ang Parade of Stars ng 2013 Metro Manila Film Festival. Excited na sina Bimby at Ryzza Mae sa pagrampa nila sa Roxas Boulevard, Manila City. Hindi pa ipinapakita ng mga produ ang design ng float na sasakyan ng mga artista ng My Little Bossings.
Salamat, Papa Miguel!
Maraming salamat kay Papa Miguel Belmonte dahil natanggap ko noong Huwebes ang Christmas gift niya sa akin.
Naramdaman ko na naman ang haplos ng pagmamahal ni Papa Miguel na very generous sa lahat ng kanyang mga empleyado.
Pinasalamatan ko na kahapon si Mama Korina Sanchez at DILG Secretary Mar Roxas dahil sa napakasarap na ensaymada na ipinadala nila sa akin.
Biglang pumasok sa isip ko si Anderson Cooper. Kapag natikman ni Papa Anderson ang special ensaymada ng Roxas couple, tiyak na masasarapan siya at baka ’yon pa ang maging ugat ng reconciliation nila ni Mama Koring.
- Latest