Daniel nakaramdam ng kakaibang espiritu
MANILA, Philippines - Marami pa ring nanghihinayang na walang Shake, Rattle & Roll sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF). Naging tradisyon na kasi sa MMFF ang nasabing pelikula ng Regal Films noon at sinasabing hindi nga kumpleto ang fiesta ng mga pelikula na wala ang SSR.
Pero sabi nga ni Mother Lily Monteverde, ‘wag mag-alala dahil ang people behind SRR ay sinigurong may katatakutan pa rin silang mapapanood sa MMFF. Nakipag-team up si Mother Lily sa Star Cinema to add some thrill — sa Pagpag: Siyam na Buhay na pinagbibidahan nga nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ito ang second time ni Mother Lily na makipag-partner sa Star Cinema – nauna na ang Adan Ronquillo, a non-MMFF film na bida si Bong Revilla, Jr. noong 1993.
Say ni Mother Lily, parang SRR trilogy din ang Pagpag in terms of star power, ang kaibahan lang ay iisa ang story nito.
Bukod sa sikat na magka-love team kasama rin sa movie sina Paulo Avelino, Shaina Magdayao, Matet de Leon, Miles Ocampo, Dominique Roque, at marami pang iba at dinirek ni Frasco Santos-Mortiz na tungkol sa siyam na superstitious beliefs about wakes.
Naalala ko, siguro mga a decade ago, na natuto lang kami ng pagpag kay Ms. Kris Aquino.
Hindi ko na maalala kung kaninong wake ‘yung nakasabay namin si Kris na boyfriend pa noon si Phillip Salvador. Basta after niyang mag-pray sa namatay ay nagyaya siyang mag-pagpag. Kailangan daw ‘yun kasi nga para hindi sumama ang bad spirits pag-uwi ng bahay. Ayun, nag-umpisa na ang lahat ng pagpapagpag.
Dito raw sa pelikulang ito ay mae-educate ang fans kung anong gagawin sa ganitong belief. Wala nga namang masama kung susunod sa pamahiin.
First horror movie ang Pagpag nina Kathryn at Daniel na talaga raw todo ang inabot na pagod nila dahil sa demand ng kanilang role.
“Doing the movie was exciting but it was so tiring that I enÂded up with a hoarse voice.
“During the shoot, para bang nakaramdam ako ng kakaibang spirits around me. Katotohanan kaya o guni-guni,†dagdag naman ni Daniel.
So, tumili na sa Pasko.
Proyektong bangka ni Marian, aandar na
Opisyal na nagsimula ang Kapuso Adopt-A-Bangka campaign na pangungunahan ni Marian Rivera.
Kahapon ay nag-upload na si Marian ng information kung paano makakapag-donate ang kanyang supporÂters at ang taong gustong magbigay ng tulong.
Heto ang campaign ni Marian :
“Kapuso Adopt-A-Bangka campaign, GMA Regional TV, in partnership with the Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars, and Restaurants, Inc., helps rebuild and rehabilitate bangkas, a major tool of livelihood for local fisherfolk at the Island of Bantayan in Northern Cebu. As GMA supports holistic and transformative rehabilitation of these affected communities, we support the Bantayan Back-to-Sea Project, through the Kapuso Adopt-a-Bangka campaign.
“The info drive campaign helps provide long-term livelihood opportunities for the fishermen and local communities who were greatly affected by super typhoon Yolanda. Rebuilding a typical bangka will cost between Php15,000.00-Php25,000.00 and can last for 15-20 years. I am personally inviting donors to join us in this cause.
“Through the help of sponsors, the bangkas will be rebuilt and rehabilitated. These fishermen need their bangkas as well as fishing implements (hooks, nets, etc) so that they can help themselves, and in turn, help their communities.
“Bantayan Back-to-Sea Project accepts donation through: CASH: Fairbank Account Number: 001-02532-1 Account Name: Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. Fairbank Account through PNB with Account Number: 1431-00721-9 with Swiftcode: ABCMPHMM Account Name: Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. Please indicate via PNB Head Office, Manila CHECK: Payee: Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. For your inquiries, you may reach us through: GMA TV Central and Eastern Visayas: 0917-8168340 GMA RTV – Integrated MarkeÂting Services Division: 0915-4416692 Let’s be one-at-heart with our Kapusong Cebuanos. Maraming salamat mga Kapuso!â€
- Latest