ER sinusunod ang bilin ni FPJ
Biglang sinorpresa ni Laguna Gov. ER Ejercito ang kanyang mga tagasuÂbaybay nang sabihin niya na hindi na siya lalaban sa pagka-best actor para sa kanyang pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden.
Nilinaw ng governor-actor na hindi siya gumagaÂwa ng pelikula para lamang magka-award.
“Bonus na lamang kung mabigyan parangal ang pagganap ko pero mas gusto ko ang kumita ang pelikula ko para makagawa pa ako ng kasunod. Ito ang ipinangako ko kay FPJ (Fernando Poe, Jr.) nang hilingin niya sa akin na ipagpatuloy ko ang pagtaÂtaguyod sa pelikulang lokal,†sabi ng masipag na ama ng Laguna na hirap pagsabayin ang kanyang pag-aartista at pagganap ng tungkulin bilang gobernador.
“Kaya sana naintindihan nila kung bakit ako late dahil may dapat akong unahing trabaho. I hope inaÂlagaan naman ang press ng mga taong itinalaga ko para rito,†sabi niya bilang paliwanag kung bakit 4:00 p.m. na siya dumating noong presscon ng kanyang pelikula.
Fiancee ni Direk Lino biglang sisikat
I’m sure magugulat ang Ateneo volleyball player na si Fille Cainglet sa biglang pagbulusok ng kanyang popularidad ngayong inihayag na ni Taguig Congressman at dating ABS-CBN director Lino CaÂyetano ang napipinto nilang pag-iisang dibdib. Kung anumang kasikatan ang ipinagkaloob ng sport na volleyball sa magandang Atenista ay madodoble pa o mati-triple sa pagpasok niya sa isang pamilyang kinikilala at iginagalang sa larangan ng pulitika.
Nito lamang taong ito nagkakilala ang dalawa na nauwi sa isang relasyon na gusto nilang parehong maging panghabang-buhay. Kumukuha ang baleÂbolista ng kanyang masters sa marketing. Sa pagÂkakaroon ng relasyon ni Cong. Lino sa isang non-showbiz ay tiyak na mapuputol na sa pagli-link sa kanya sa maraming taga-showbiz na akala ng marami ay magiging kapalaran niya.
Mas magaling sI KC kesa sa kanyang nanay - Gov. ER
Kung agad namang sumuko si Gov. ER Ejecito sa kanyang laban for best actor sa darating na MeÂtro Manila Film Festival (MMFF) 2013, ipaglalaban niya hanggang kakayanin ang laban ng kanyang kapareha na si KC Concepcion bilang best actress. Naniniwala ang pulitikong aktor na magaling si KC sa kanyang role. Bukod sa talagang sumabak ito sa aktingan ay nagpamalas pa rin ng galing sa aksiyon.
“Siya ang abangan n’yo sa movie, magaling siya rito. Mas magaling pa siya sa nanay niya,†na hindi naman sinang-ayunan ni Direk Chito.
“Kailangan pa niya ng experience. Pero papunta na siya dun,†ang sabi ng direktor.
“Kung hindi siya manalo as best actress ay nadaya siya.â€
- Latest