^

PSN Showbiz

Eugene ibang halik ang naranasan kay Sam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakaranas ng kakaibang halik si Eugene Domingo kay Sam Milby sa pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.

“It’s the best kiss ever. Sam, it’s the best kiss ever,” natatawang bungad ni Eugene. “Ironically, hindi siya sa lips. Aminin n’yo, kayong mga babae, hindi naman lahat ng best kiss ay sa labi. Grabe! Pagkatapos ng eksena napasigaw ako, ‘Whew! The best.”

Maraming kaabang-abang na eksena raw ang kailangang masaksihan ng mga manonood sa kanilang pelikula.

“This one is what we call the ultimate comic-sci-fi porn. Ang ibig kong sabihin, Parental Guidance po kami. So, please bring your family, friends, whole barkada. Ang sinasabi lang namin, this is really fun and the most amazing Kimmy Dora of all three installments,” paliwanag ng aktres.

Marahil ay nagtataka raw ang mga tagaha­nga kung bakit hindi napapanood sa television ang trailer o teaser ng kanilang pelikula.

“Kasi, if you can remember, ’yung first Kim­my Dora namin talagang sa social network kami kumapit at saka sa word of mouth. At saka natural naman sa ating mga Filipino ’yung talagang kapag may napanood na maganda, gano’n,” giit pa niya.

Baron ‘inayos’ ng Fil-Italian GF

Sa kauna-unahang pagkakataon ay guma­nap na si Baron Geisler bilang isang ama sa isang pro­yekto. Kasama ang aktor sa pelikulang Saka Saka na kalahok sa New Wave Film category ng Metro Manila Film Festival na nagsimulang ipa­labas sa mga sinehan noong Miyerkules hang­gang Martes sa susunod na linggo. Pinagbibidahan ang nasabing proyekto nina Ejay Falcon at Joseph Marco. Kakaibang karanasan daw para kay Baron ang kanyang ginawa sa pelikula.

“Sobra, kasi hindi pa naman ako gano’n katanda. Wala pa akong anak,” pahayag ni Baron.

“Actually, it is father role in a good way kasi hindi naman father role na anak ko si Ejay. It was no’ng mga bata pa sila kasi one third of the film is my story of how Saka Saka live and where they get their income from. Eventually I die and the two boys take revenge,” pagdedetalye ng binata.

Samantala, Fil-Italian at isang newscaster ang karelasyon ngayon ni Baron, si Isabelle Cantu. Masayang-masaya raw ang aktor sa kanyang kasintahan dahil nagsisilbi itong magandang impluwensiya para sa kanya.

“She’s still my inspiration and lagi akong nasa right track kapag kasama siya. She’s a good inf­luen­ce. We like swimming. We like walking in the park, just doing stuff together, working out and eating. I think that’s why I gained weight. We love to eat,” pagbabahagi ng aktor.      Reports from JAMES C. CANTOS

ANG KIYEMENG PREQUEL

BARON GEISLER

EJAY FALCON

EUGENE DOMINGO

EVENTUALLY I

KIMMY DORA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SAKA SAKA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with