^

PSN Showbiz

Melai at Jason, hindi iiwan ang showbiz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi iiwanan nina Jason Francisco at Melissa “Melai” Cantiveros ang showbiz kahit pa maiiba na ang kanilang prayoridad bilang mag-asawa at magulang sa kanilang nalalapit nang isilang na supling. 

“Kung bibigyan ako ng pagkakataon, babalik ako ulit siyempre sa showbiz. Pero gusto ko munang alagaan ‘yung baby ko ng mga tatlo o apat na buwan. Gusto ko ‘yung tutok muna ako sa anak ko,” pagbabahagi ni Melai kay Anthony Taberna sa Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Dec 19).

Inaasahan nina Melai at Jason ang pagdating ng kanilang panganay sa darating na Abril.

Samantala, isasantabi naman muna ni Jason ang pangarap niyang magkaroon ng malaking pa­milya dahil na rin sa pag-aalala sa kalusugan ng kanyang asawa.

 â€œNoong una gusto ko ng malaking pamilya pero noong makadalo ako ng mga seminar bago ikasal, naintindihan ko na hindi pala basta-basta ‘to. Gusto ko talagang magkaraoon ng madaming anak kaya lang iniisip ko din ang kalagayan ng asawa ko,” sabi ni Jason.

Dahil na rin sa mga pagsubok at hiwalayang pinagdaanan ng kanilang relasyon, naniniwala si Jason na mas matatag na ang samahan nila ni Melai at handang-handa na sila sa pagiging magulang.

Nang tanungin naman si Melai kung magpapakasal pa rin ba siya kung sakaling hindi siya nabuntis, isang diretsahang “Oo” naman ang naging tugon ng komedyana.

“Hindi na ako nagdalawang-isip kasi nga sabi niya sa’kin gusto na niyang lumagay sa tahimik. Gusto na rin niya na magkaroon ng pamilya. Sabi ko naman sa sarili ko, ako rin gusto ko nang magkapamilya,” dagdag ni Melai.

Nabuo ang pag-iibigan nina Melai at Jason sa kanilang pana­natili sa Pinoy Big Brother (PBB) house na talaga namang sinubaybayan ng sambayanan. Kaya naman marami ang natuwa nang sa wakas ay nauwi ito sa kasalan kamakailan na ginanap sa General Santos City. 

Magbabalik-tanaw rin ang mag-asawa kung paano nga ba nabuo ang matamis nilang pagtitinginan kasabay ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

ABRIL

AKO

ANTHONY TABERNA

CANTIVEROS

GENERAL SANTOS CITY

GUSTO

JASON FRANCISCO

MELAI

PINOY BIG BROTHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with