^

PSN Showbiz

‘Siguro sila muna ang dapat mauna’ Sen.Chiz suko na sa magulang ni Heart

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong isang taon pa annulled ang kasal nina Senator Chiz Escudero at dating asawang si Christine Elizabeth Flores. Ngayon ay matagal-tagal na ring karelasyon ng senador si Heart Evangelista at nangangarap na raw muling magpakasal si Senator Chiz. “I don’t have any angst. Wala akong masamang tingin sa pagpapakasal. Gusto ko uling magpakasal. I would want to settle again, have a complete family, and hopefully this time, kumpleto na talaga siya until death do us part,” pahayag ni Sen. Chiz.

“Heart and I have been talking about it. I don’t know when it will come but we’re headed in that direction,” dagdag ng senador.

Wala raw kinalaman sa 2016 elections kung sakali mang magpakasal na ang magkasintahan sa mga susunod na taon. “’Yung pasya namin kaugnay ng pagpapakasal, walang kinalaman sa kung kailan ang eleksyon. We’re not planning for it, we’re not preparing for it. I’m simply doing my job in the Senate,” paliwanag ni Sen. Chiz.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng mga magulang ni Heart ang pakikipagrelasyon nito sa senador. Posible pa kayang magkaayos ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang partido? “The ball is in their court. We’ve done our part. We haven’t done anything wrong. I haven’t done anything wrong to them either, Nananahimik lang kami. Kung may problema man ako sa anak ko, kakausapin ko ‘yung anak ko, ila-lock ko pa ‘yung kwarto. Hindi ako magpapatawag ng presscon,” makahulugang sagot ni Sen. Chiz.

Umaasa rin ang senador na magkakasundo pa rin sila sa takdang panahon ng mga magulang ng kasintahan. “Siguro sila muna ang dapat mauna, malay mo sa Pasko o Bagong Taon,” pagtatapos niya.

Julia dedma sa pangba-bash ng Julquen

Malapit nang mapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto. Makakatambal ng dalaga sa kauna-unahang pagkakataon sina Enrique Gil at Sam Concepcion.

Nakararanas daw si Julia nang pangba-bash sa social media mula sa mga tagahanga ng tambalang JulQuen (Julia Montes at Enrique). Si Julia Montes ang huling nakatambal ni Enrique sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso. “Okay lang, normal naman ‘yon eh. I don’t mind. Hindi ako nahu-hurt. First of all it’s normal na sa show business na magkagano’n. Second of all, bakit ko papansinin ‘yon when there are so many supporters and people who are excited about Mirabella? Mas binibigyan ko ng attention ‘yun,” nakangiting pahayag ni Julia.

Hindi rin daw nakararamdam ng pressure ang dalaga kung magki-click man o hindi ang bagong tambalan nila ni Enrique. “Wala naman sigurong pressure. Kasi actually the goal here talaga is for Mirabella to be successful and mataas ‘yung ratings and instead of feeling the pressure mas namo-motivate kami to do better and we’re excited na mapanood ito kasi sobrang ganda talaga ng istorya,” giit ni Julia.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BAGONG TAON

CHIZ

CHRISTINE ELIZABETH FLORES

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

HEART AND I

JULIA

MIRABELLA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with