KC may kasalanan kay Direk Chito
Hindi ko na hinintay ang pagdating ni Governor ER Ejercito ng Laguna sa presscon ng Boy Golden noong Martes dahil sa ibang mga appointment ko.
In fairness to me, early bird ako sa presscon na 12 noon ang imbitasyon. Umalis ako ng 2:30 pm kaya hindi na kami nagpang-abot ni Papa ER. Nalaman ko na lang na 4:00 pm na siya nang dumating.
Hindi naman ako nainip sa presscon ng Boy Golden dahil sa presence nina Tonton Gutierrez at KC Concepcion. Nag-win pa ako ng TV sa raffle draw.
Madalas na blockbuster ang mga presscon ni Papa ER dahil walang umuuwi na luhaan. Parang reunion din ang mga pa-presscon ni Papa ER dahil nagkita-kita ang veteran writers.
I’m sure, namangha sina KC at Tonton sa presscon ng Boy Golden dahil dinaluhan ito ng napakaraming mga tao.
Game na game na sinagot ni KC ang lahat ng mga tanong sa kanya. For the first time, inamin niya na nakikipag-date siya kay Paulo Avelino. Nabanggit din ni KC ang trauma na naranasan sa pakikiÂpagrelasyon niya noon. Kahit hindi siya nagbanggit ng pangalan, alam ng mga reporter kung sino ang tinutukoy ni KC.
Hindi rin nagtagal sina KC at Tonton sa presscon dahil nag-dubbing pa sila ng kanilang mga linya sa Boy Golden na hango ang kuwento sa tunay na buhay ni Arturo Porcuna.
Bukod sa raffle draw, may mga intermission number ang presscon ng Boy Golden, ang song number ng mga alaga ni Jobert Sucaldito na sina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy.
Parehong mahuhusay na singer ang dalawa. Sila ang mga dapat na nabibigyan ng break sa TV.
Binigyan ako ng bagong CD album ni Michael na siguradong pakikinggan ko dahil na-impress ako sa revival niya sa isang kanta na pinasikat ni Pabs Dadivas, ang Kung Sakali Man. Mala-Lani Misalucha naman ang range ng boses ni Prima Diva Billy.
Sana, dumating na ang pinakahihintay na break nina Michael at Prima Diva Billy sa local music industry dahil talagang may mga karapatan sila na kumanta.
Umapir din pala si Chito Roño sa presscon ng Boy Golden pero hindi kami nagkita o nagpang-abot.
Si Chito ang direktor ng Boy Golden kaya makakatiyak ang moviegoers na maganda at matino ang pelikula na pinagbibidahan ni Papa ER.
Nag-sorry daw si KC kay Chito sa presscon pero hindi alam ng mga reporter ang dahilan. Malalaman ko ang tumpak na kasagutan dahil magkikita kami ni KC at ‘yon ang unang itatanong ko sa kanya.
Bea Rose biglang nakilala
Natuwa ako dahil win ng Miss International crown and title si Bea Rose Santiago na biglang nakilala dahil sa karangalan na ibinigay niya sa ating bayan.
Sangkatutak man na kalamidad at problema ang dinanas ng Pilipinas, nagkaroon naman ng positive news dahil nag-win sa mga international beauty contest ang mga Pinay, nakuha ni Megan Young ang Miss World title, nanalo bilang Miss Supranational si Mutya Datul, 3rd runner up sa Miss Universe si Ariella Arida at Miss International si Bea Rose.
Kung nasungkit ni Ariella ang Miss Universe crown, kumpleto na sana ang mga international beauty title na napanalunan ng mga Pilipina. ‘Di bale, may next year pa naman.
- Latest