Robin hinihintay ng GMA, pati pelikula suportado
Puwedeng mag-promote sa mga show ng GMA 7 ang mga artista ng 10,000 Hours dahil mga Kapuso star sila.
Starring sa pelikula ni Robin Padilla ang Kapuso stars na sina Alden Richard, Winwyn Marquez at Bela Padilla. Producer ng 10,000 Hours si Boy2 Quizon na Kapuso rin.
Sa madaling-salita, hindi totoo na hindi welcome na mag-promote sa mga show ng GMA 7 ang mga artista ng 10,000 Hours.
Saka tapos na rin ang kontrata ni Robin sa ABS-CBN. Libre na siya na umapir sa mga TV show ng ibang mga network. Pumayag nga si Robin na magkaroon ng special participation sa Adarna, ang primetime show sa Kapuso Network ng kanyang anak na si Kylie na hindi ko pa sure kung matutuloy o hindi.
Hindi ko na pinuntahan ang presscon ng 10,000 Hours noong Lunes ng gabi.
Nabalitaan ko na blockbuster ang presscon dahil dumagsa ang uninvited guests. Ganyan talaga kapag mga pelikula ni Robin ang may presscon, hindi puwedeng ilihim dahil nalalaman ng mga gatecrasher.
Ping lacson sasama sa parada!
Hangang-hanga si Robin kay Senator Ping Lacson dahil hindi raw ito corrupt. Alam ni Robin ang kanyang sinasabi dahil never na ginamit ni Papa Ping ang kanyang PDAF.
Nadagdagan ang paghanga ni Robin kay Papa Ping nang magkaroon sila ng meeting bago inumpisahan ang shooting ng 10,000 Hours. Bumilib si Robin kay Papa Ping dahil wala itong kasama o alalay nang magkita sila.
Tiyak na panonoorin ni Papa Ping ang 10, 000 Hours dahil hango ang kuwento nito sa mga nangyari sa kanya sa tunay na buhay.
Imbitahan kaya ni Robin si Papa Ping na sumakay sa float ng 10,000 Hours sa Parade of Stars ng 2013 Metro Manila Film Festival na mangyayari sa darating na Linggo?
Aktor walang memorya!
Dinedma ng ilang re porter ang aktor na starring din sa 10,000 Hours. Nawalan ng gana ang press sa aktor dahil may amnesia ito.
Hindi marunong makatanda ang aktor sa mga reporter na madalas na nakikita at nakakasalamuha niya sa mga showbiz event o private parties.
Tinalbugan pa ng aktor si Robin Padilla na kilala ang lahat ng mga reporter. Hindi na dapat magtaka ang aktor kung bakit hindi siya sumikat-sikat dahil may amnesia nga siya. Walang space sa showbiz ang mga katulad niya na maiksi ang memorya at walang acting talent.
DJ pinaghintay si Michael V. sa taping
Hindi na maabot si DJ Durano dahil naglagare ito sa taping ng dalawang programa kaya siya ang naging cause of delay ng taping ng Pepito Manaloto ng GMA 7.
Ang kuwento na nakarating sa akin, biglang nawala si DJ sa set ng Pepito Manaloto matapos lagyan ng make up.
Naloka ang staff nang sabihin sa kanila na umalis si DJ dahil may taping din ito para sa isang TV show ng ABS-CBN.
Ang ending, hinintay ni Michael V. at ng ibang cast ng Pepito Manaloto ang pagbabalik ni DJ sa set dahil hindi puwedeng kunan ang eksena nang wala siya. Nasayang ang oras ng lahat dahil hindi nagpasabi si DJ na maglalagare siya.
Hayden balik-indie
May special participation si Hayden Kho, Jr. sa indie movie na Homeless na tinatampukan nina Ejay Falcon at Martin del Rosario.
Isang araw na nag-shooting si Hayden para sa mga eksena niya sa Homeless. Hindi ko inalam ang role ni Hayden pero siguradong challenging ‘yon kaya napapayag uli siya na umarte sa harap ng kamera.
- Latest