^

PSN Showbiz

Matindi ang pangangailangan aktres tinitiis ang pagbubugbog ng BF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw magpaapekto ni Bela Padilla sa nang-iintrigang kaya siya napa­sali sa 10,000 Hours ay dahil boyfriend nito ang producer na si Neil Arce.

“Sabi naman niya sa akin, siguro kung hindi niya ako girlfriend nakikita naman niya na tama ako sa role.

“So, happy naman ako na naging advantage naman ’yun for me. I’m very thankful and happy kasi sobrang na-in love ako sa karakter na ginawa ko. I’m proud to be part of 10,000 Hours. Kung ’yun man ang dahilan, eh ‘di salamat na rin,” diretsong pahayag ni Bela.

Hindi rin daw niya makalimutan ang experience na nakatrabaho niya ang tito niyang si Robin Padilla.

PAK: Pinabulaanan ng mga alaga ni Joy Cancio na miyembro ng Sex Bomb Dancers ang napabalitang nagtangka raw itong magpakamatay kaya isinugod ito sa ospital.           

Sabi ni Aira Bermudez, hindi magagawa iyon ng kanyang manager dahil active raw ito sa church niya sa Victory Fellowship.

Ang pagkakaalam daw niya nung Biyernes pa ay nasa hospital si Joy dahil sa hirap daw itong makatulog kaya baka nasobrahan daw sa sleeping pills.

Pero malabo raw magtangka pang magpakamatay ang kanilang manager.

Nasa ospital pa raw ito ngayon kaya lang hindi pa raw ito puwedeng dalawin.

BOOM: Hindi kami makapaniwala sa kuwentong nakarating sa amin, battered girlfriend ang isang aktres na naging kontrobersiyal din ang buhay noon.

Tahimik lang ito dahil tinitiis niya ang pananakit diumano sa kanya ng kanyang boyfriend. Nakipaghiwalay na nga ito dahil sa hindi na matiis pero nakipagbalikan pa rin pala dahil kailangan niya sa ngayon si boyfriend.

Nakakausap namin itong si aktres pero nahihiya kaming magtanong dahil base sa mga ipino-post nito sa kanyang Instagram account, mukhang masaya na siya sa piling ng kanyang boyfriend.

Aalamin pa namin kung totoo nga ba ito.

 

vuukle comment

AIRA BERMUDEZ

BELA PADILLA

DAHIL

JOY CANCIO

NEIL ARCE

NIYA

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with