Janno at Kapuso stars idinaan sa kanta ang pagbibigay ng inspirasyon
MANILA, Philippines - Pag-asa at pagsisikap sa kabila ng sakuna — ito ang insÂpirasyon sa likod ng Bangon Kaibigan, isang kantang isinulat ni Janno Gibbs at sama-samang kinanta ng mga pinaÂkamagagaling na Kapuso Network artists.
Ang kanta ay naglalayong bigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino matapos ng trahedyang idinulot ng bagyong Yolanda noong nakaraang buwan. Ayon kay Janno, na siyang nanguna upang mabuo at maisakatuparan ang proÂyektong ito, nais niyang ipaalala sa mga tao na sa kabila ng pagsubok na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay dapat mayroon pa rin tayong pag-asa at maging masaya lalo na ngayong Kapaskuhan.
“It started out as a personal project. Ako, as a Filipino, I was inspired to write this song while watching the news, seeing the aftermath of typhoon Yolanda. And I thought it would be a nice project to do with the other Kapuso artists,†paliwanag ng singer-actor.
Ang kantang ito ay kahalintulad ng mga charity singles tulad ng We are the World ni Michael Jackson noong mga mid-‘80s at What’s Going On ni Martin Gaye, na kinanta rin ng Destiny’s Child at ni Britney Spears na kabilang sa Artists Against AIDS Worldwide noong 2001.
Mismong si Janno ang nagprisinta sa mga exeÂcutive ng GMA 7 at agaran naman silang pumayag na gawing charity project ang kanta. Si Janno rin ang luÂmapit sa kanyang mga kapwa niya Kapuso para ibahagi ang kanilang talento sa proyektong ito.
Ang Bangon Kaibigan ay ipagbibili sa iTunes at iba pang online stores. Ang malilikom na halaga ay mapupunta para sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda na ipamamahagi ng GMA 7 Kapuso Foundation.
Higit sa isandaang Kapuso stars ang naglaan ng kanilang oras upang mabuo ang misic video na una ring napanood sa Sunday All Stars kahapon, Linggo.
“’Wag dapat mawalan ng pag-asa. Kayang-kaya na bumangon ng Pilipino at ipagpatuloy ang buhay,†paalala ni Janno.
- Latest