^

PSN Showbiz

Sex Bomb Dancers ayaw magsalita sa tangkang ‘pagpapakamatay’ ng manager na nasa ICU raw

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naglaan si Willie Revillame ng limang mil­yong piso para sa gagawin niyang show sa Tac­loban City sa Dec. 22.           

“Mag-Wowowee kami roon para magpasaya lang sa mga tagaroon. Mas kailangan na nila nga­yon ’yan eh,” sabi ni Willie.

Medyo naintriga lang kami nang sinabi niyang Wowowee, bakit hindi Wowowillie na huli niyang show sa TV5?

May sama pa rin ba ng loob si Willie sa TV5?

PAK: Umiiyak si Melanie Marquez nang nakausap ng Startalk nung isang hapon.

Mga tatlong buwan pa raw siyang iri-rehab at kailangang lagyan ng brace ang katawan niya para tuluyan na siyang gumaling.

“Na-fracture kasi talaga ang spine ko at nabali ang aking sternum,” sabi ni Melanie na hindi makapaniwalang nalagpasan niya ang naturang aksidente.

Kapag magaling na raw siya, balak niyang magbakasyon dito sa Pilipinas sa susunod na taon.           

BOOM: Patapos na ang Startalk nang may nagpara­ting na sa amin ng balitang isinugod daw sa ospital ang manager ng Sex Bomb Dancers na si Joy Cancio. Nasa ICU raw ito dahil nagtangka umano itong magpakamatay.

Ayon sa nasagap naming kuwento, nag-take raw si Joy ng maraming anti-histamine at mabuti’t nakita naman  siya kaya naagapan at naisugod sa hospital.

Sinubukan naming tawagan ang kanyang anak, hindi ito sumasagot.

Pati ang dating alaga nitong si Rochelle Pangilinan ay ayaw ding magsalita. May nagkuwento lang sa amin na ayaw daw ng Sex Bomb Dancers na lumabas pa ito. Kaya kahit si Rochelle ay hindi na rin pinapagsalita.

As of presstime, wala pang binibigay na statement ang kampo ni Joy at ang mga taga-Sex Bomb tungkol sa nangyari.

vuukle comment

AYON

JOY CANCIO

MELANIE MARQUEZ

ROCHELLE PANGILINAN

SEX BOMB

SEX BOMB DANCERS

STARTALK

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with