Winners ng Miss Earth game sa kainan sa styrofoam
Nanghinayang kami ni German “Kuya Germs†Moreno sa last taping ng Walang Tulugan with the Master Showman for the year 2013 dahil hindi nakadalo ang newly-crowned Miss Earth 2013 na si Alyz Henrich (Miss Venezuela) dahil naipit ito sa dinner hosted on her behalf ng Venezuelan ambassador to the Philippines at sa sobrang traffic last Friday sa buong Metro Manila ay hindi na rin ito nakahabol.
Guest kasi namin ni Kuya Germs sa aming Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan... ang apat na winners sa recently-concluded Miss Earth coronation night na ginanap kamakailan sa Versailles Palace sa Alabang, Muntinlupa City. Ganun man, nakaÂraÂting naÂman ang tatlo pang winners ng Miss Earth na sina Katia Wagner (Miss Austria) na nanalong Miss Earth-Air, Punika Kulsoontornrut (Miss Thailand), ang nanalong Miss Earth-Water, at si Catharina Choi (Miss Korea) na siyang nanalong Miss Earth-Fire.
Ang Miss Austria na si Katia ay half-Austrian at half-Indonesian kaya may dugo siyang Asian. Si Catharina naman ay half-Korean and Brazilian.
Tuwang-tuwa kami ni Kuya Germs ganun din sina John Nite, Shirley Fuentes, at Shermaine Santiago dahil sa pagiging warm, friendly, and accommodating ng tatlong international beauty title holders. Nakisama rin sila sa amin nina Kuya Germs and the rest of Walang Tulugan family sa pagkain sa styro-pack dinner gamit ang plastic spoons and fork. Craving pa rin ang international beauties sa Japanese food sa Toki sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Samantala, paalis ngayong Lunes, Dec. 16 ang apat na winners ng Miss Earth pabalik sa kanilang bansa pero babalik din sila ng Pilipinas after the holidays para gampanan ang kanilang respective roles lalo na ang newly-crowned Miss Earth 2013 na si Alyz Henrich ng Venezuela. Miss Venezuela rin ang nakapag-uwi ng Miss Universe crown na si Gabriella Isler kaya two wins in a row ang bansang Venezuela.
Samantala, muli na namang pinaiyak ng Master Showman ang kanyang kumare at dating kasamahan sa Sampaguita Pictures, ang movie icon at movie queen na si Gloria Romero sa surprise birthday presentation nito sa kanyang late-night show. The award-winning veteran actress turns 80 on Dec. 16.
Ang buong akala pa nga ni Kuya Germs ay hindi na makakarating si Gloria sa studio dahil bukod sa may taping ito ng Akin Pa Rin ang Bukas sa Antipolo, OA (as in overacting) ang traffic last Friday evening sa buong Metro Manila. Pero nag-exert talaga ng effort si Kuya Germs na makarating sa taping ng Walang Tulugan… si Gloria kahit pa umagahin sila ng taping na sulit naman dahil bago mag-midnight ay dumating ang nanay ni Marites Gutierrez.
Sinorpresa si Gloria ni Jed Madela nang ito’y kanyang awitan ng theme song ng Tanging Yaman na nagbigay sa veteran actress ng kanyang first grand slam win bilang best actress. It turned out na big fan pala si Jed at ang kanyang ina ng dating movie queen.
Touched din si Gloria sa mga bumati sa kanya na pinangunahan ni Manay Ichu Maceda, panganay na anak nina Dr. & Mrs. Perez ng Sampaguita Pictures. Maluha-luha rin si Gloria nang ipakita ang VTR ng kanyang kanyang showbiz history at hindi na niya napigilan ang maiyak nang lumabas ang dalawang mahahalagang tao sa kanyang buhay, ang kanyang kaisa-isang anak na si Maritess at kaisa-isang apong si Christopher.
Happy birthday, Mareng Glo! We pray for your continued good health and success.
- Latest