^

PSN Showbiz

Zsa Zsa nagpapatulong kay Dolphy para makapili ng susunod na lalaki

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman tutol si Zsa Zsa Padilla na maka­kita ng makakapalit ni Dolphy sa kanyang puso.

Katunayan, kay Dolphy pa rin siya humihingi ng patnubay at gabay kung sakaling may dumating na bagong lalaki sa kanyang buhay. Pero huwag daw muna ngayon dahil hindi pa siya handa.

Maging ang kanyang kahandaan sa bagong pag-ibig ay ipinababahala niya kay Dolphy. Ito raw ang nakakaalam kung kailan siya ready na.

Pagpag mananakot

For the first time ay walang mapapanood na Shake Rattle & Roll sa dara­ting na Metro Manila Film Film Festival 2013. Nag-decide ang Regal Entertainment, Inc. na huwag munang gumawa ng nasabing franchise movie na mahigit 10 taon din nanakot sa taunang Pista ng Pelikulang Pilipino. Sa halip ay nakipag-joint venture ito sa Star Cinema sa pagpoprodyus ng isa pa ring nakakatakot na movie starring the country’s lovable tandem of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Wala itong kalaban sa genre nitong horror na kuwento ni Joel Mercado at idinirek ni Frasco Santos Mortiz.

 Ang Pagpag: Siyam na Buhay ay kuwento tungkol sa mga pamahiin na kinagisnan nating mga Pilipino tungkol sa burol. Bagama’t marami ang hindi naniniwala dito, lalo na ang mga kabataan, maaaring humantong sa kamalasan o kamatayan ang sinumang lalabag sa siyam na popular na paniniwala natin tungkol sa kamatayan o sa patay.

“Sobrang nakakatakot ang Pagpag pero sa likod ng nakakatakot na istorya ay may mensahe ng pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya, ang pinakamalakas na puwersa sa lahat,” sabi ni Daniel.

Kasama rin sa Pagpag sina Matet de Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, Janus del Prado, at Marvin Yap.

Pagpapa-sexy ni Alice may ibang kumukontra

Halo ang reaksiyon sa ginawang pagpapa-sexy ni Alice Dixson sa cover ng isang men’s magazine para sa buwan na ito ng Kapaskuhan. Marami ang natutuwa dahil sa edad niya ay pinatunayan niyang kaya pa rin niyang makipag­sabayan sa mga nakaka­bata sa kanya sa pagpapa-sexy. Marami rin naman ang nasasabi na wala na sa panahon ang ginawa niya, wrong timing daw. It would have been ideal kung ginawa niya ito mga 10 or maybe even five years ago. Feel nila maling desisyon ito ng ng aktres na wala nang dapat patunayan pa.

Pero maski si Alice ay hindi inaasahang ma­kaga­gawa siya ng ganito kala­king desisyon. Katunayan, umatras siya nang unang alukin dito. Hindi niya type ’yung mga gusto nilang ipasuot sa kanya. Natuloy lamang ang pictorial nang may pareho silang pinagkasunduan ng mga nasa likod ng magazine.

Happy si Alice sa resulta ng kanyang ginawa. Ma­rami ang nagsasabi na she can give other younger and sexy stars a run for their money. Hindi naman siya naging Bb. Pilipinas Universe nang ganun na lamang, may beauty talaga siya, physically, and mentally.

Pinag-usapan talaga siya’t hinangaan, dahilan para tumambak ang maraming offer hindi lamang ng pelikula at TV shows kundi maging ng komersiyal din. Pati love life niya has become interesting and beautiful.

 

ALICE DIXSON

ANG PAGPAG

DOLPHY

DOMINIC ROQUE

FRASCO SANTOS

PAGPAG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with