Aktres kinakausap na ang magiging ninong sa kasal!
Nakita ang isang aktres sa isang sikat na restaurant ng isang upscale mall noong isang araw. Nang tanungin ng isang kakilala kung bakit nasa resto siya ng maaga, ang sagot ng aktres ay may kakausapin siyang ninong niya.
Dahil nabalitang ikakasal ang aktres next year, naisip ng kanyang kausap na ninong sa kasal nito ang kinausap. Hindi na nahintay ng aming source ang imi-meet ng aktres sa restaurant.
Well loved sa industry ang aktres at siguradong walang tatanggi sa mga mapipili niyang maging ninong/ninang sa kanyang kasal.
Robin naudlot sa show ni Kylie, character pinatay
Hindi natuloy ang pagka-cameo ni Robin Padilla sa Adarna at dapat lalabas siyang tunay na ama ni Ada (Kylie Padilla) sa fantaserye ng GMA 7. Namatay ang karakter na dapat gagampanan ng aktor na ayaw nito at sabi ng manager nitong si Bechay Vidanes, ayaw ni Robin na mamatay ang karakter niya lalo’t show ng anak.
Kaya hindi na lang itinuloy ang guesting ni Robin pero puwede pa rin itong mag-guest kung may ibang role na io-offer at babagay sa kanya, tatanggapin nito.
As of last Wednesday, hindi pa pinipirmahan ni Robin ang bagong kontrata sa ABS-CBN at puwede pa siyang lumabas sa GMA 7. In fact, guest siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho mamaya at sumama kay Jessica Soho sa Zamboanga City para makipag-boodle fight sa pagitan ng mga sundalong KristiÂyano at Muslim.
Samantala, lahat nang nakapanood sa YouTube ng trailer ng 10,000 Hours movie ni Robin at entry sa paparating na filmfest ay nagandahan. Ibang-iba ang dating ng trailer lalo na ’yung takbuhan at habulan sa Amsterdam, Netherlands na naikuwento ng aktor ay tuluy-tuloy ang shoot ni Direk Joyce Bernal.
Pati poster ng movie ay kakaiba at sabi ni Direk Joyce, gusto niya at ng mga producer ay solong picture lang ni Robin ang nakalagay. Siguro naman, walang magÂrereklamong co-stars na wala ang picture nila sa poster.
Shaina todo denay na dyowa si Piolo, ni hindi nga raw nanliligaw
Si Paulo Avelino ang love interest ni Shaina Magdayao sa horror movie ng Star Cinema at Regal Entertainment, Inc. na Pagpag: Siyam na Buhay pero si Piolo Pascual pa rin ang itinanong sa kanya sa presscon ng movie. At gaya ni Piolo, itinanggi ni Shaina na sila’y may relasyon at hindi raw nanliligaw.
Friends lang sila at komportable sa isa’t isa na nakakapag-holding hands ng walang malisya. Magkasama rin silang pumunta sa Tacloban, Leyte last Friday para maghatid ng relief goods at i-cheer ang mga biktima ng bagyong si Yolanda.
Mag-asawa sa movie sina Shaina at Paulo at tiyak na hindi sila mali-link dahil open ang aktor sa panliligaw kay KC Concepcion. Si Shaina nama’y masaya kahit walang love life at focused sa career.
Karylle hindi pa umaamin kay Christian
Ang alam ni Christian Bautista, inililihim muna nina Karylle at boyfriend (o fiancé) nitong si Yael Yuzon ang balak na pagpapakasal next year. Kaya lang lumabas na sa press at nalaman. Kung papansinin, wala pa ring inaamin ang couple.
Nabanggit ang Karylle-Yael wedding dahil sa presscon/contract-signing ni Christian sa renewal ng kontrata niya bilang endorser ng Ink All-You-Can, tinanong ito kung hindi ba niya niligawan si Karylle gayung bagay sila, magkasundo at may chemistry, batay na rin sa projects na nagawa na nila kasama ang Cinderella?
Ang sagot lang ni Christian ay “We went out, nag-date kami pero ’wag na nating pag-usapan, ikakasal na siya. It’s personal but if I’m asked to sing in her wedding I will do it. Pero hindi pa niya sinasabing ikakasal na siya.â€
Anyway, tuloy ang buhay kay Christian after his breakup from Carla DunaÂreanu. Looking forward siya sa mga project na gagawin sa 2014 kabilang ang pagre-release ng bagong album from Universal Records at muling paggawa ng soap sa GMA 7. Hindi pa lang ito sure kung makakasama sa Ibalik ang Kahapon nila nina Camille Prats at Pauleen Luna dahil sa schedule.
- Latest