Bea may banta sa pambababae ni Zanjoe
“Marami pa kaming gustong gawin ni Zanjoe (Marudo, her boyfriend of three years) bago kami pakasal. Ako, inaasahan pa ng pamilya ko bilang breadwinner at kahit hindi siya breadwinner ng kanyang pamilya ay sumusuporta pa rin siya sa kanila. Baka kapag tumuntong ako ng edad trenta o pataas pa dahil sa panahon ngayon ay bata pang maituturing ang mga taong nasa ganitong edad para isipin agad ang pag-aasawa. Lalo na ang lalaki na napaka-eligible pa hanggang sa dumating siya ng age 40. At saka kami magpapakasal pero hindi pa siguro ngayon na marami pa kaming iipunin,†paliwanag ng magandang Kapamilya actress sa pangungulit sa kanya ng entertainment press lalo na ng mga taga-Philippine Movie Press Club (PMPC).
Dinayo kasi namin siya sa napakaganda niyang tahanan sa White Plains sa Quezon City para lamang mangaroÂling. Hindi lamang niya sila sinalubong ng maganda, pinakain pa niya sila at pinaunlakan ng interview.
Tatlong taon na ang relasyon nila ng kapwa niya Kapamilya na aktor. At kung nagtatagal man sila at maganda ang pagsasama ay dahilan sa iginagalang nila ang trabaho ng isa’t isa.
“We give each other space. Walang kaming selosan sa trabaho at may time kami para sa isa’t isa,†ang inamin niyang sikreto kaya nagtatagal ang kanilang relasyon.
Sinabi rin niya na masasaktan siya ng labis kapag nambabae ito.
“Wala akong matandaang naging seryoÂsong away namin. Mga hindi pagkakaintindihan lamang na madali naming malutas sa mabuting pag-uusap lamang. Wish ko nga this Christmas and for other Christmases to come ay magtagal pa kami,†sabi ni Bea.
Sumamang makipag-hapunan ang aktres sa kanyang caroler-friends from the media na inasikaso ring mabuti ng kanyang ina, mga kapatid, staff, at kasambahay sa kanyang tahanan na isa na marahil sa pinakamaganda na napuntahan ko.
Erich tutok sa negosyong pang-breakfast
Kung hindi dahilan sa Kris TV, hindi malalaman ng publiko na bukod sa pagiging magaling niyang artista ay isang mahusay na negosÂyante rin si Erich Gonzales. Madalas puntahan ang kanyang restaurant sa may area ng Sto. Domingo sa Quezon City din na may pangalang The Breakfast Club. Bukod sa masasarap na pagkaing isinisilbi rito at personal na pinamamahalaan ng aktres ay may tinapay na mabibili sa kanyang resto na very much in demand sa mga dinner at maging dun sa mahihilig sa baked products. Kung hindi ito madalas na orderin para kainin ay madalas itong i-take home ng mga pumupunta sa kanyang kainan.
Inamin ni Erich na piÂnagbuhusan nila ng non-showbiz boyfriend niya ng kanilang hard earned moÂney ang The Breakfast Club. Halos lahat ng isinisilbi rito at kasama sa menu ay personal favorites nila.
Rep. Lani hindi apektado ng pork barrel scam
Kung si Sen. Bong Revilla, Jr. ay nasa hot water ngayon dahil sa pork barrel, ang kanyang misis naman na si Cong. Lani Mercado na minsan ay na-misinterpret na rin dahil sa kontrobersiyal na isyu ay mukha namang hindi naapektuhan ng isyu ng pork barrel scam. Katatapos lang nitong mapili bilang isa sa walong outstanding congressman ng bansa.
Nakuha ni Rep. Lani ang parangal dahil sa mahusay niyang pagganap ng kanyang trabaho at pagpasa ng napakaraming bill sa Kongreso. Meron siyang ginawang 45 bills at co-author siya ng 102 bills pa. Pinaka-hindi malilimutang bill na naipasa niya ay ang pagiging lungsod ng Bacoor na kasama sa ipinangako niya nung nangampanya siya para maging congressman. Ipinagmamalaki niyang napalaki na niya ang kanilang district hospital at napalawak na rin niya ang serbisyong ibinibigay nito.
Problema niya ngayon ang pagpapatuloy ng pagÂbibigay ng serbisyo sa lahat ng nangangailaÂngan dahilan nga sa problema sa pork barrel.
- Latest