^

PSN Showbiz

Sikat na aktor dalawang taon nang tinitikis ang anak, ni hindi man lang maka-text

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ikinakaila ni Dennis Trillo na na-miss niya nang husto ang kanyang anak na si Calix (kay Carlene Aguilar) habang nasa US tour siya with Tom Rodriguez, Carla Abellana, at Kuh Ledesma.  May pasalubong galing Amerika si Dennis sa kanyang anak.

Samantala, kung mahal na mahal ng aktor ang kanyang anak na si Calix, mukhang hindi ganito ang isang sikat na aktor sa kanyang anak sa isang non-showbiz girl. Teenager na rin ang anak ng sikat na aktor na kamakailan lamang nag-birthday pero hindi man lamang ito naaalalang i-text o tawagan ng ama. Wala ring regalo.

May dalawang taon na ring hindi nakikita ng sikat na aktor ang kanyang anak lalo’t malapit na itong ikasal sa kanyang kasintahan ngayon.  Mabuti na lamang at maganda ang pagpapalaki sa bata ng kanyang ina na mag-isang itinataguyod ang kanyang anak na carbon copy ng ama nito.

After 44 years ay saka lamang nakilala ng singer-actress na si Jaya ang kanyang totoong ama, si Mang Ray, na naka-base sa Canada. Jaya’s dad will be spending the Christmas holidays for the very first time with his daughter, Jaya, and her family.

Masayang-masaya si Jaya na makilala at makapiling ang kanyang ama.

“God has given me a special gift this Christmas. My 1st EVER to be with my father Ray,” mensahe ni Jaya sa kanyang Instagram.

Hindi man nag-work ang first marriage ni Jaya kay Andrew Buffington na isang American musician, muling nakahanap si Jaya ng bagong mamahalin sa piling ng kanyang Filipino husband kung kanino siya may dalawang anak ngayon, sina Sabriya at Dylan Gotidoc.

vuukle comment

ANAK

ANDREW BUFFINGTON

CARLA ABELLANA

CARLENE AGUILAR

DYLAN GOTIDOC

JAYA

KANYANG

KUH LEDESMA

MANG RAY

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with