Parang si Freddie Aguilar, Cesar pumiyok sa 16-anyos na ipinalit kay Sunshine?! Kanta para sa Yolanda ni Janno ni-reject ni Ogie
PIK: Anak ng matalik na magkaibigang Inday Badiday at Helen Vela na sina Dolly Anne Carvajal at Princess Punzalan ang special guests ni Regine Velasquez sa Sarap Diva.
Bukod sa masasarap na pagkaing inihain, maraÂming leksiyong ibinahagi ang magkaibigang Princess at Dolly Anne sa mga namana nilang aral sa kanilang ina.
PAK: Bukod kay Solenn Heussaff, na-involve rin si Cesar Montano sa isang intrigang may kumakalat daw itong litrato sa Instagram kasama ang 16 years old na babaeng karelasyon daw ngayon ng actor/director.
Natawa si Cesar nang taÂnungin sa kanya ang naÂÂturang intriga. Parang Freddie Aguilar lang daw ang peg pero hindi naman daw totoo ‘yun.
Ang pagkakaalam daw ng aktor ’yung kumakalat na litratong may kayakap na disi-sais anyos na girl ay isang fan na nagpalitrato sa kanya.
Naalala raw niya dati na kinakantiyawan siyang yakap-yakapin ang isang fan na nagpalitrato sa kanya.
“Alam mo to make them happy. Alam mo na fan. Hindi rin naman magtatagal lilipas din ang ating paÂgiging artista. So, dapat pagbibigyan mo kung ano ‘yung ikaliligaya ng fans,†pahayag ni Cesar sa taÂping nila sa Akin Pa Rin ang Bukas nung isang hapon.
BOOM: Puspusan ang recording at video shoot ng lahat ng mga Kapuso star para sa Bangon Kaibigan na video ng GMA 7.
Nilikha ni Janno Gibbs ang naturang kanta at ang intriga ay inalok daw niya ito kina Ogie Alcasid para sa OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) pero hindi raw ito tinanggap dahil meÂron ding ginawa ang OPM president para sa kaÂnilang grupo. Kaya inalok daw ni Janno sa GMA 7.
Nilinaw ni Janno ang naturang intriga dahil wala raw itong katotohanan. Talagang intended daw talaga ito sa GMA 7.
“Nung wala pa namang go signal, I wrote the song, una, personal lang muna siya ’tapos ako nagpagawa ng music at saka ko pinresent kay Ma’am Lilybeth (Rasonable), ’tapos sabi ko tita baka puwede mo akong tulungan with the other bosses. Maganda sana kung kasali lahat na mga GMA artist kasi ‘yun talaga ang pangarap habang ginagawa ko ’yung song.
“Binanggit ko rin kay Ogie kasi kahit gamitin natin for GMA talaga, puwede namang gamitin as OPM. Saka meron din si Ogie na ginawang kanta na parang We Are the World,†paliwanag ni Janno.
Nakakatuwa lang daw na halos lahat ay gumagawa ng ganitong video para sa pinagdaanan natin likha ng bagyong Yolanda. Huwag na lang sanang intrigahin dahil para naman ito sa iisang purpose, ang makatulong sa pagbangon ang mga kababaÂyan nating nalugmok ng nakaraang super typhoon.
- Latest