Ricky Carandang babalik na lang sa pagiging anchor; Melanie Marquez naaksidente, nangangailangan ng dasal
SEEN: Humihiling ng dasal si Maxine, ang anak ni Melanie Marquez para sa mabilis na paggaling ng kanyang ina dahil sa isang aksidente na nangyari sa Arizona, USA: “Please pray for my mom, Arline, and nanay. They were in a car accident a couple days ago and although they are stable and in better condition than before they will need your prayers, love and support. They hit black ice and slid into a cement canal. My brother Adam was with them and walked out with only a couple bruises. We are all so lucky that they are still alive because things could’ve gone so much worst than it did.â€
SCENE: Naka-confine si Melanie Marquez sa Dixie Regional Medical Center sa Utah. Ito ang mensahe ni Melanie para sa mga nag-aalala sa kanyang kalagayan: “All I can say that miracle happened in the middle of the situation when our truck was spinning on the black ice road. I am still traumatized I’ll let you guys the whole story when I get better. I miss you & I love you guys forever!â€
SCENE: Ang announcement kahapon ni Butch Raquel ng kanyang retirement sa GMA Network, Inc. bilang vice president for corporate communications.
Labindalawang taon na naglingkod si Butch sa Kapuso Network. Magtatayo si Butch ng sariling PR company.
SCENE: Nagbigay ng ligaya kahapon sa typhoon Yolanda evacuees sa Villamor Airbase sa Pasay City ang mga artista ng Juan dela Cruz, sina Albert Martinez, Martin del Rosario, Louise Abuel, at Diana Zubiri.
SEEN: Ang balita na babalik sa broadcasting industry si Ricky Carandang matapos ang kanyang resignation bilang communications secretary (Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) ni President BS Aquino.
SCENE: Ang mga kababaihan na biktima ng typhoon Yolanda ang beneficiary ng mga ipapa-auction na damit ni Rufa Mae Quinto.
SEEN: Dinagdagan ni former Sen. Manny Villar ng walong milyong piso ang P810,000 na donasyon mula sa fun run ng mga empleyado ng Vistaland sa mga nasalanta ng typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.
Ang Vistaland ang real estate company ni ex-Sen. Villar.
- Latest