Kuya Germs may hinanakit sa mga bumibirada
“Hindi mo naman mapi-please ang lahat,†may hinamÂpong pahayag ng showbiz icon at host ng late-night show na Walang Tulugan with Master Showman na si Kuya German Moreno sa mga bumabatikos sa kanya na may kinalaman sa honorees ng kanyang Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City.
“Sa halip na matuwa at sumuporta sila ay puna at batikos pa ang inaabot ko mula sa ilan nating mga kasamahan sa industriya. Pero ganun talaga. Umabot tayo ng limang dekada sa industriyang ito na mahal na mahal ko. Ang Walk of Fame sa Eastwood City ay hindi para sa akin kundi para sa lahat. Ang Walk of Fame ng Hollywood ang naging inspirasyon ko para magkaroon naman tayo ng sarili nating version na ginagawa na ring regular attraction sa mga namamasÂyal sa Eastwood City. Nagpapakuha sila ng litrato sa mga pangalan ng kanilang mga hinahangaang artista at celebrity.â€
Miss Earth na si Alyz nawiwili sa Japanese resto
Nagustuhan at nasarapan ang mga 2013 Miss Earth candidates sa pagkain ng Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig City kaya ang apat na winners ng Miss Earth na pinangungunahan ng newly-crowned na si Alyz Henrich ay babalik sa Toki ngayong Huwebes ng tanghali para mag-lunch. Nakabalik na sa kani-kanilang mga bansa ang 84 non-winning candidates at kasama na rito ang 2012 Miss Earth na si TereÂza Fajksova ng Czech Republic na kulang na lamang umiyak nang ito’y bumalik sa kanyang bansa.
Makakasama ng bagong Miss Earth na si Alyz Henrich ang kanyang runners-up na sina Katia WagÂner ng Austria (Miss Air), Punika Kalsoontornrut ng Thailand (Miss Water) at Catharina Choi ng Korea (Miss Fire). Ang apat na winners ay makakasama rin namin ni German “Kuya Germs†Moreno sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with Master Showman on GMA and GMA Pinoy TV.
Ang Miss Earth ay isang locally-based international beauty paÂgeant na walong taon nang tumatakbo na ang pinaka-main goal ay mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan at eco-tourism.
Ang coronation night ay ginanap last Saturday evening sa Versailles Palace sa Alabang, Muntinlupa.
- Latest