Angel umangal, nali-link sa may asawa
Nabasa namin ang sagot ni Angel Locsin sa Twitter sa pagli-link sa kanya kay Marco Lobregat: Sabi nito: “Hindi ako mahilig magsasagot sa mga intriga, pero for the sake na ma-clear lang...’di kami magkakilala. Pls. stop this issue at kagagaling ko lang sa break-up.â€
Itinanggi rin naman ni Marco Lobregat ang issue sa kanila ni Angel at tweet nito: “Nice to see @143redangel fans that want the best for her. I’m a fan too but, I unfortunately have never had the pleasure of meeting her yet.â€
Ayan, malinaw, parehong nag-deny sina Angel at Marco sa kanilang dalawa at hindi pa pala sila magkakilala. Natawa si Marco na may nag-o-offer na ipakilala siya kay Angel dahil ngayon pa lang, may mga kinikilig na sa kanila.
Kilala itong si Marco Lobregat na heartthrob sa AteÂneo noong nag-aaral pa, sikat na commercial model at columnist ng Philippine Star at ngayon ay mushroom farmer. Pero tama ba kaming nag-asawa itong si Marco Lobregat?
Maricel pinupuri si Vice kahit ‘naapi’ sa billing
Malaki ang tiwala ni Maricel Soriano kay Vice Ganda at kahit first time niya itong makasama sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, binigyan niya ito ng 10 percent rating sa husay na komedyante sa ratio na one to 10 percent. “Inay†na rin ang tawag ni Vice sa Diamond Star na tawag sa kanya ng kapwa artista.
Hindi natanong si Maricel sa isyu ng billing niya sa unang labas ng poster ng movie, pero kung nagtampo man ito, sa producers lang dahil sila ni Vice at lalo na si Direk Wenn Deramas, hindi naging isyu ang billing ng aktres.
Kinuwento nga ni Direk Wenn na tumatawag sa kanya si Maricel sa shooting para lang mangumusta at para lang sabiÂhing mahal siya nito na kanyang ina-appreciate. May nagtsika nga na lucky charm ang turing ni Maricel kay Direk Wenn dahil nang dumating ito sa buhay niya, lagi nang masaya ang aktres.
Sabi naman ni Direk Wenn mahal nila ni Maricel ang isa’t isa, pero pinaalalahanan niya itong ‘wag mai-in love sa kanya. May gagawin pa raw pelikula ang magkaibigan.
Cesar kumpirmado nang direktor ng Sugo
Pupunta sa Bohol sa December 14 si Cesar MonÂtano para dalhin ang nalikom na halaga sa giÂnaÂÂwang Sagip Bohol fund-raising concert sa TeaÂtrino para tulungan ang biktima sa lindol sa Bohol. NaÂalala namin, hindi pa man tapos ang concert, almost half a million na ang nalikom nina Cesar.
Kasama ng aktor na pupunta sa Bohol ang ilang kaibigan at ilang taga-Gabay Guro na magdadala ng construction maÂÂterial para sa rehabilitaÂtion ng mga biktima ng linÂdol. HangÂgang Dec. 15 ang gruÂpo ni Cesar sa Bohol.
Samantala, kailan kaÂya ia-announce ng proÂducer ng pelikulang Sugo na si Cesar na ang director nito? Nagsimula na itong mag-location hunÂting at ang alam din ng cast ng movie si Cesar ang director nila, pero dahil wala pang official announcement, hindi pa nito mabanggit sa mga interview. Ang pinalalabas ay magkatulong sina Cesar at Tikoy Aguiluz sa pagdidirek ng pelikula.
Tuluy-tuloy ding napapanood si Cesar sa Akin Pa Rin ang Bukas.
Mga taga-UH di pa rin tapos ang seminar sa MTRCB
Second day ngayon ng “mandatory seminar†deÂmanded by Movie and Television Review Classification and Board sa hosts ng Unang Hirit kaugnay ng isyu sa pagitan nina Arnold Clavio at Atty. Alfred Villamor na isa sa lawyer ni Janet Lim-Napoles.
Ang sabi, sina Arnold Clavio, Rhea Santos, Ivan Mayrina, at Susan Enriquez ang kasama sa mga host na dumalo dahil sila ang konektado sa News and Public Affairs department ng GMA 7 dahil ang ibang hosts ay hindi taga-NPA. Kasama ring nag-seminar kay MTRCB Chair Eugenio Villareal ang director, writers, at EP ng Unang Hirit.
Pero sabi ng network, bago pa sila pinag-mandatory seminar, may ginawa na silang proposal at remedial measures para hindi na maulit ang nangyari.
- Latest