^

PSN Showbiz

Kahit todo-deny na hiwalay na Ryan at Juday ayaw tantanan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya ayaw tumigil ang mga sitsit tugkol sa mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos? Kung dati ay sunud-sunod ang pagli-link kay Ryan sa mga babaeng nakakasama niya sa show  na dapat daw ay ikaselos ni Juday, pero dinedma lang ng misis.

Latest na sitsit ay umalis na raw ng conjugal house nila si Ryan at sumamang muli sa kanyang magulang.

Deny to death ang mag-asawa. Hindi raw totoo at dedma lang sila.

Pero bakit nga hindi mawala wala ang isyu sa ka­­nila? Tama bang pag may usok, Ibig sabihin may pinaggagalingang apoy?

MTRCB kumakayod

Alam mong nagtatrabaho ang Movie Television Review Classification and Board (MTRCB) na pinamumunuan ni Chairman Toto Villareal. Dalawang palabas na sa TV ang kinakastigo nila, ang Bubble Gang dahil sa hindi magandang pagtrato ng show sa kababaihan na ginampanan ni Rufa Mae Quinto. Ang ikalawa ay ang Unang Hirit dahil sa hindi magandang komento ni Arnold Clavio sa pakikipag-usap nito sa telepono sa abogado ni Janet Lim Napoles.

Pinakukuha ng MTRCB ng seminar ang ilang newscasters ng UH at si Chairman Villareal pa mismo ang magku-conduct ng seminar.

Marian dapat talagang maging masaya kay Karylle

Bakit naman hindi masisiyahan si Marian Rivera na pakakasal na ang ex ng bf niyang si Dingdong  Dantes na si Karylle sa karelasyon nitong si Yael Yuson eh, ibig sabihin lang naman nito ay tuluyan nang naka-move on ang singer kay Dingdong.

At wala na si Marian na dapat alalahanin dito, ito naman ay kung meron dati. Ngayon talagang makapagko-concentrate na siya sa relasyon nila ni Dingdong na wala nang Karylle at the back of her mind.

ARNOLD CLAVIO

BUBBLE GANG

CHAIRMAN TOTO VILLAREAL

CHAIRMAN VILLAREAL

JANET LIM NAPOLES

JUDY ANN SANTOS

KARYLLE

MARIAN RIVERA

MOVIE TELEVISION REVIEW CLASSIFICATION AND BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with