Christian tikom na tikom ang bibig sa ex-GF
Magagaling din na singer ang mga kapatid ni Christian Bautista na sina Joshua at Jordan. Alam ko ang sinasabi ko dahil napakinggan ko kahapon ang pagkanta nila ng Paskong Pilipino sa renewal ng contract ni Christian sa Ink All-You-Can, ang printing machine company na ipinagmamalaki ang kanilang unlimited printing. Original composition ng Bautista brothers ang Paskong Pilipino na dedicated nila sa typhoon Yolanda survivors.
Available sa digital download ang makabuluhan na Christmas song ng Bautista brothers at puwedeng bilhin sa www.opm2go.com.
Ni-renew ng Ink All-You-Can ang kontrata ni Christian dahil effective endorser siya. Mula sa 15 branches, may 30 branches nationwide na ang Ink All-You-Can dahil nagkakatulungan sila ni Christian.
Magkakaroon si Christian ng bagong teleserye sa GMA 7 at co-stars niya sina Camille Prats at Pauleen Luna.
Hindi pa masabi ni Christian ang title ng afternoon teleserye na pagbibidahan niya dahil puwede pa na mapalitan ang pamagat. Ang kanyang upcoming drama series ang follow-up project ni Christian sa With a Smile, ang morning feel good teleserye na tinampukan nila nina Mikael Daez at Andrea Torres.
Tuwang-tuwa pala si Christian dahil siya ang hinirang na best performer sa Sunday All Stars ng GMA 7 noong Linggo. Nag-win siya ng P5,000.
Sosyal nga pala ang mga big boss ng Ink All-You-Can dahil isang lambing ko lang, nagpa-raffle sila ng tatlong printer.
’Yun nga lang, hindi ako nag-win pero okay lang dahil ako naman ang tumanggap ng early bird prize mula sa aking favorite publicist na si Gian Vizcarra na isinilang na mahaba ang pasensiya. Smile lang nang smile si Gian sa mga torture na biro ko sa kanya.
Back to Christian, marami ang nangyari sa kanyang career ngayong 2010. May masaya at meron ding malungkot dahil natapos ang relasyon nila ng kanyang dyowa.
Mula sa ABS-CBN, nag-ober da bakod si Christian sa GMA 7. Nagkaroon siya ng teleserye at sunud-sunod ang kanyang mga out-of-the country show. Sikat na sikat si Christian sa Asian countries. Superstar siya sa Indonesia dahil hit na hit dito ang kanyang mga kanta.
Naririnig din sa mga radio station sa Thailand, Japan, at ibang Asian countries ang mga hit song niya. Ganyan ka-popular si Christian kaya tinawag siya na Asia’s Romantic Balladeer, isang title na hindi puwedeng agawin ng ibang mga Asian male singer.
Casualty ng 2013 ang love life niya dahil naghiwalay sila ng kanyang girlfriend na si Carla DunaÂreanu.
Hindi na kinulit si Christian ng mga reporter tungkol sa breakup nila ni Carla dahil nagsalita agad siya na ayaw niya na mapag-usapan ang personal na buhay. Iginalang naman ng entertainment press ang kanyang appeal.
Masuwerte ang babae na mapapangasawa ni Christian dahil mukhang magiging responsible husband siya. Malinis na malinis ang image ng singer na never nating nabalitaan na nasangkot sa mga eskandalo.
Mayor Alfred nakakaloka ang mga rebelasyon kaya sinisiraan
Naawa ako kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez nang mapanood ko siya sa news program noong Lunes ng gabi.
Napaluha ang better-half ni Cristina Gonzales habang ikinukuwento ang mga naranasan niya noong Nov. 8, ang araw na nanalanta sa Tacloban City ng super typhoon Yolanda.
Kahit ako ang nasa lugar nina Papa Alfred at Kring-Kring, maluluha rin ako dahil nasaksihan nila ang buong pangyayari. Nakita nila ang mga nawasak na bahay at ang mga bangkay ng kanilang mga kababayan.
Para sa akin, normal at walang halong drama ang pag-iyak ni Papa Alfred. Sinisiraan lamang siya ng kanyang detractors dahil sa mga nakakaloka na rebelasyon niya na hindi pabor sa national government.
- Latest