Pop Talk may Xmas countdown
MANILA, Philippines - Para sa mga nagbabalak kumain sa labas at gawing kakaiba at ‘extra special’ ang kanilang NoÂche Buena, naghanap ang Pop Talk ng tatlong dining places na may Holiday Menu na ibinibida! Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?
Ito na ang eleventh Tuesday ng Pop Talk Christmas Countdown kung saan sa loob ng 12 na Martes ay magrereview ang Pop Talk ng mga pagkain, pasyalan, pang-regalo, party venues, shoppingan, at iba pang mga bagay na pop na pop sa pagdiriwang ng pinakamahabang Christmas season sa buong mundo!
Isasalang sa pagrerebyu ang Chef Tatung Restaurang sa Taguig City ; ang Passion Chinese Restaurant sa Resorts World Manila; at ang ‘F’ All Day Dining Restaurang sa The Fort.
Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang mga guest reviewers: ang expert na isang food critic, tv host at culinary researcher na si Nancy Reyes-Lumen; isang OFW daddy na on vacation para mag-spend ng Holiday season kasama ang pamilya na si Daddy Jose Atinen; at ang celeÂbrity reviewer na huling napanood sa My Husband’s Lover na si Bettina Carlos. Huhusgahan nila ang tatlong restos na may Holiday Menu base sa criteria na ‘food’, ‘place at ‘value for money.’
Salubungin ang Pasko sa ‘Pop Talk: Holiday Menu,’ December 10, 10PM sa GMA NewsTV.
- Latest