^

PSN Showbiz

Kris pinagdudahan si Aljur!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa episode ngayong linggo, mag-aalala si Cess (Kris Bernal) nang may makita siyang gown sa loob ng kotse ni Nick (Aljur Abrenica) at ang mas grabe ay nabasa niya ang text ni Kate (LJ Reyes) regar­ding sa hotel reservation nila ni Nick. Hindi mapakali si Cess kasi baka nga totoo na ang gut feeling niya na may relasyon pa rin sina Nick at Kate. Kaya sa tulong ni Phil (Jan Manual), inalam nila kung totoong may hotel reservation ang dalawa sa Extravagant Hotel. Will Cess find the truth and discover na mali na naman ang mga hinala niya? Ano ang magiging kahihinatnan ng mga pagdududa niya?

Ayaw pa rin niyang mag-conclude hangga’t wala pa siyang nakukuhang pruweba. Kaya isang lunch ang inihanda ni Cess para kay Nick. Isang masarap na leche flan ang ginawa niya for dessert at nasarapan naman ang binigyan. Nagparinig naman si Cess at sinabing ang pinakamasarap daw na leche flan ay nasa Extravagant Hotel at tinanong pa niya ito kung nakapunta na roon. Nag-deny naman si Nick. Nagulat si Cess sa pagdi-deny ng nobyo. Ang hindi niya alam, kaya lang ginawa iyon ni Nick, ay may hinanda itong sorpresa sa nasabing hotel to celebrate their monthsary. Isang free room kasi ang nakuha ni Nick bilang promo ng nasabing hotel.

Dahil buo na ang pagdududa ni Cess, sinama niya si Phil para magmanman kina Nick at Kate sa hotel. Nag-disguise pa sila para hindi makilala. Nakita nga nila si Nick at ngitngit na si Cess at gusto na niyang sugurin ang nobyo pero pinigilan lamang siya ni Phil dahil hindi pa nila ito nahuhuli sa akto. Bigla namang dumating si Kate at dala ang gown. Sinundan nila ito. Lalong mangiyak-ngiyak si Cess nang makita ng sinalubong ni Nick si Kate. Ano ang susunod na mangyayari?

Mapagkakamalan ni Cess si Mrs. Rualo bilang si Kate dahil sa suot nitong gown at masasabunutan niya ito. Biglang darating si Kate at aawat. Magugulat siya dahil si Cess ang nananakit kay Mrs. Rualo ngunit mas magugulat siya dahil nagkamali siya. Magkakagulo sa hotel at mapapahiya si Cess sa harap ni Nick. Dahil sa pagdududa ni Cess, nasira ang mga plano ni Nick at mukhang hindi na niya makukuha ang deal dahil sa sobrang galit ni Mr. Rualo sa ginawa sa kanyang asawa. Doon lang mapagtatanto ni Cess ang malaking pagkakamali na nagawa niya dahil sa pagdududa niya sa boyfriend. Cess apologizes to Nick pero gusto munang mapag-isa ng binata.

Abangan ang love story nina Cess at Nick sa Prinsesa ng Buhay Ko sa GMA 7.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANO

CESS

DAHIL

EXTRAVAGANT HOTEL

HOTEL

KATE

MRS. RUALO

NICK

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with