Karylle napalago ang negosyong KTV
MANILA, Philippines - Mula sa pagiging tagasilbi sa cafeteria ng UP Los Baños, Laguna ay nagmamay-ari na ang mag-asawang Merly at Nelson Balicao ng isang sikat na bakery na ang signature na hugis pusong chocolate cake ay pinipilahan at dinadayo pa ng mga taga-Maynila. Paano kaya nila ito nagawa?
Alamin ang matamis na kuwento ng tagumpay ng mag-asawang hindi man nakapag-kolehiyo ay nagsikap at umasenso sa pagsasalaysay ni Karen Davila sa Miyerkules (Dec. 11) sa My Puhunan ng ABS-CBN.
Nagsimula ang lahat noong dekada 70 sa UPLB. Natutong mag-bake sina Merly at Nelson ngunit sampung taon pa ang nakalipas bago sila nakapagsimula ng sariÂling negosyo.
Sa halagang P800, sinimulan nilang magbenta ng Mer-Nel’s banana cake. Ngayon ay bumebenta na ang Mer-Nel’s ng mahigit 600 cakes kada araw at mayroon na ring sariling building na nagkakahalagang P20 milyon na matatagpuan ang kanilang bakery, restaurant, at function rooms na maaaring pagdausan ng mga debut at kasal.
Ibibida rin sa My Puhunan ang negosyo ng host at singer-actress na si Karylle, ang Centerstage, isang KTV at bar na pagmamay-ari niya at ng dating nobÂyong si Dingdong Dantes. Natakot man sumabak sa pagnenegosyo sa simula, napalago ni Karylle ang CenÂterstage na mayroon ng tatlong branches ngayon.
Samantala, bibigyang katuparan naman ni Doris Bigornia ang hiling ng mag-asawang hindi kumikita ng sapat para sa kanilang anim na anak na magkaroon ng sariling negosyo sa Mutya ng Masa ngayong Martes, Dec. 10.
- Latest