^

PSN Showbiz

KC hindi pa tapos sa Boy Golden

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Babalik ngayon si KC Concepcion sa Pilipinas dahil kailangan siya sa shooting ng Boy Golden, ang official entry ni Laguna Governor ER Ejercito sa Metro Manila Film Festival 2013.

Pansamantalang iniwan ni KC ang shooting ng Boy Golden dahil sa concert nila ni Sharon Cuneta sa Dubai at Italy.

SCENE:  Pangarap ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na mag-direk ng pelikula kapag natapos na ang kanyang panunungkulan.

SEEN: “Honey” ang term of endearment ni Regine Velasquez kay Ogie Alcasid. Honey na rin ang tawag kay Ogie ni Nate, ang anak nila ni Regine.

SCENE: Pag-uusapan pa nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang lugar na pupuntahan nila para sa kanilang Christmas holiday.

SEEN:  Ang guesting kahapon ni Robin Padilla sa Ra­ted Korina, ang programa ni Korina Sanchez sa dzMM.

Nag-promote si Robin ng 10,000 Hours, ang pelikula niya na official entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

SCENE: Nilapastangan si Marvin Agustin sa kanyang Instagram account dahil ininsulto ng isang basher ang kasarian niya.

SEEN: Movie made for TV ang drama ng The Lady Next Door, ang project na pagtatambalan ni Alice Dixson at Mark Neumann ng Artista Academy.

Parehong nabubulol sa pagsasalita ng Tagalog sina Alice at Mark.

SCENE: Opisyal at hindi na basta officer-in-charge ang Vice-President for Entertainment TV position  ni GMA 7      executive Lilybeth Rasonable. 

 

ALICE DIXSON

ARTISTA ACADEMY

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BOY GOLDEN

DINGDONG DANTES

KORINA SANCHEZ

LADY NEXT DOOR

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with