^

PSN Showbiz

Pa-singing contest ni Ate Vi sa Batangas mas marami pang tao kesa sa major concert ng isang singer sa Araneta

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

 Ang Voices, Songs, & Rhythms (VSR) ang isa sa mga topic kahapon ng mga reporter na dumalo sa thanksgiving lunch ni Marian Rivera.

Ang VSR ang bonggang-bongga na singing contest ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto para sa mamamayan ng Batangas na may talent sa pagkanta.

Kabilang si Marian sa mga invited judge ni Mama Vi. Ang kuwento ng mga reporter, hindi tinipid ang singing contest na ginanap sa Batangas City Sports Coliseum na napuno ng mga tao. Mas marami pa raw ang nanood sa VSR kesa major concert ng isang singer sa Smart Araneta Coliseum. Hindi ko na sasabihin ang name ng singer bilang respeto sa kanya.

Nagpainterbyu muna raw si Mama Vi sa mga reporter sa Governor’s Mansion bago siya nagpunta sa Batangas Coliseum.

Itinanong ng mga reporter kay Mama Vi ang reaksiyon nito sa problema ni Cong­ressman Manny Pacquiao sa taxes bilang nagkaroon din siya ng ganitong kaso noong dekada 80.

Makipag-usap o makipagkompro­miso sa BIR (Bureau of Internal Re­venue) ang sagot ni Mama Vi dahil ganoon ang ginawa niya noon kaya na-settle ang problema niya sa BIR.

Agree ako sa sagot ni Mama Vi dahil nalulutas sa maganda at maayos na usapan ang lahat ng mga problema. Kung susundin ni Papa Manny ang advice ni Mama Vi he will never go wrong.                   

Si Mama Vi ang Manny Pacquiao noong 1981 dahil big news noon ang problema niya sa BIR. Lahat ng mga diyaryo, siya ang nasa headline.

Tandang-tanda ko pa ang mga pangyayari dahil reporter na ako noon. Na-survive ni Mama Vi ang problema sa BIR dahil binayaran niya ang dapat na bayaran.

Si Manay Ichu Maceda ang isa sa mga tumulong noon kay Mama Vi. Very close ang dalawa dahil gumawa noon si Mama Vi ng mga pelikula sa Sampaguita Pictures. Nalampasan ni Mama Vi ang krisis at nakikita naman natin kung nasaan siya ngayon.

Marian na-inspire sa int’l na nominasyon

Ang taping ng Carmela ang pinagkakaabalahan ni Marian Rivera. Ang Carmela ang upcoming primetime show niya sa GMA 7 kaya wala nang dapat ikainip ang fans ni Marian.

Magsisimula na sa January ang Carmela kaya maganda ang pasok ng taon para kay Marian na lalong na-inspire sa kanyang career dahil sa acting nomination mula sa Asian TV Awards.

ANG CARMELA

ANG VOICES

BATANGAS CITY SPORTS COLISEUM

MAMA

MAMA VI

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with