Angelika ayaw paawat sa pulitika kahit manganib pa uli ang buhay
“Wala ng makakapigil pa. Hinintay ko rin ito ng maÂtagal. Nag-showbiz muna ako. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gagawin ko. May mga kamag-anak akong nauna nang maging pulitiko, like my father and my brother, na namatay na bata at isang pulitiko. Akala nga ng lahat this will put an end to my entering politics pero lalo lamang sumidhi ang kagustuhan kong magsilbi sa lugar na kung saan ako isinilang at lumaki,†sabi ni Angelika dela Cruz na ngayon ay tumatayong kaÂpitana ng barangay sa kanilang lugar sa Longos, MaÂlabon.
Kung susuriin ang naging resulta ng kanyang pagÂtakbo nung nakaraang eleksiyon, malalaman na hindi lamang ang aktres ang may masidhing laÂÂyuÂÂnin na pagserbisyuhan niya sa kanilang lugar kundi maging ang mga kabarangay niya. Malaki ang kaÂlaÂmaÂngan niya sa popularidad kaysa sa kanyang mga nakalaban na nagbibigay dahilan sa isang may ayaw sa kanya na pagtangkaan siyang patayin sa pamamaÂgitan ng saksak.
“Naging maingat naman ako nang mamatay ang aking kapatid. Alam kong may mga naghahangad din sa posisyon na tinakbuhan ko at marahil, dahil na-feel nilang suportado ako ng tao, kung kaya mas ginusto nilang daanin ito sa masama. Salamat sa Diyos hindi sila nagtagumpay,†sabi ng magaling na aktres.
Kung kailan siya nagdesisyon na pasukin na ang pulitika at saka naman nagkakasunud-sunod ang kanyang proyekto sa telebisyon.
“Hindi naman makakaapekto sa aking tungkulin sa aking barangay ang aking pag-aartista. Mas makakatulong pa ako with the earnings that I will get from my work at GMA. Hindi naman kalakihan ang pondo na ibinibigay sa mga barangay. Sa rami ng nangangailangan, talagang kakapusin. Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula pero ’yung medical mission dapat magpatuloy. Kailangang maiwasto ang kalusugan ng mga tao para maging masaya sila at maÂbuting mamamayan,†paliwanag ni Angelika.
- Latest