^

PSN Showbiz

Megan malaki ang ipinayat, parang robot sa kaiikot

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Although malaking karangalan ang dala-dala ni Megan Young bilang kauna-unahang Filipina na naging Miss World, napakahirap din ng kanyang role bilang ambassador ng Miss World Organization (MWO) na naka-base sa London, England sa kanilang mga charitable program all over the world. Feeling nga namin ay parang robot na lamang si Megan na kailangang sumunod sa gustong gawin ng MWO. May daily itinerary na kailangang sundin at gampanan ni Megan kahit pagod na pagod siya at wala pang tulog at pahinga. Mananatili ang ganitong sitwasyon hangga’t tangan niya ang korona sa loob ng isang taon.

Sa recent visit ni Megan sa Pilipinas na may kinalaman sa kanyang pagbisita at pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at Palawan, malaki ang ipinayat ng actress turned beauty queen pero sa kabila nito ay buong puso pa rin niyang sinusunod at ginagampanan ang kanyang obligasyon at papel bilang reigning Miss World. Makapagpapahinga lamang siguro si Megan kapag naisalin na niya ang kanyang korona sa bagong Miss World sa isang taon.

Samantala, hindi ikinakaila ng younger sister ni Megan na si Lauren Young na malaki ang advantage para sa kanya ang pagkakaroon ng kapatid na Miss World. Although unti-unti na ring nakakagawa ng sarili niyang pangalan, iba pa rin daw ang dating sa kanya kapag ipinapakilala siya bilang kapatid ni Megan.

Speaking of Lauren, masayang-masaya ito sa pagkakapili sa kanya bilang pinakabagong leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong pelikula nito sa bakuran ng GMA Films.

vuukle comment

FILIPINA

LAUREN YOUNG

MAKAPAGPAPAHINGA

MANANATILI

MEGAN

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

MISS WORLD ORGANIZATION

RICHARD GUTIERREZ

SPEAKING OF LAUREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with