^

PSN Showbiz

Marian at Heart may kumpetisyon?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang may namumuong kumpetisyon sa pa­gitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista na parehong Calendar Girls para sa taong 2014 ng da­lawang kilalang inuming panlalaki. Pero, kung sa­kali man, friendly competition ito na naglalayong pataasin pa ang posisyon ng dalawa bilang artista.

Both will be promoted widely ng mga kumuha sa kanila para sa kalendaryo. And both will be richer by several millions of pesos for their efforts.

Bayanihan nasapawan ng mga mapagsamantala

Pinuri nga ang ating bayanihan spirit pero binabawi naman ito ng milya-milya ng mga mapagsamantala nating kababayan na ibinibenta ang mga relief goods ng galing sa ibang bansa.

Dapat hulihin ang mga gumagawa nito at ikulong ng habang-buhay para hindi na sila makasira pa sa imahe ng bansa.

I’m sure hindi ito magagawa ng ordInaryong ma­mamayan lamang meron na namang malaking tao sa likod nito. Pakiimbestiga nga at paki-kulong na sila!

Aljur tanggap ang mga pintas

Ang galing naman ni Aljur Abrenica, tumatanggap ng constructive criticism na may kinalaman sa kanyang acting. Kung sa iba mo sasabihin ang ka­malian sa kanyang pag-arte baka masamain pa pero, ang Kapuso actor ay game na pag-aralan ang kanyang craft para mag-improve pa siya.

Aware si Aljur na pinagkukumpara sila ng kapa­tid niyang si Vin Abrenica at sa proseso ng pagku­kumpara, naiiwan siya. Pero sa halip na magalit sa mga namimintas at ma-insecure sa kanyang kapatid, pinagbubuti na lamang niya ang kanyang acting. Kumukonsulta siya sa kanyang direktor, hu­mi­­hingi ng pointers sa mga mas nakatatanda sa kanyang artists. At marami ang sumusumpa na ma­­laki na ang iginaling ng kanyang ac­ting. Sincere ito sa kanyang desire na maging magaling sa kanyang trabaho.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

CALENDAR GIRLS

HEART EVANGELISTA

KANYANG

MARIAN RIVERA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with