Charice wala na raw offer sa abroad, lahat ng local shows pinapatos na
Pinapatos na raw ngayon lahat ng show ni Charice. Hindi na raw ito namimili ng venue basta may trabaho lang.
Say ng source, wala na raw kasi itong choice dahil wala naman itong offer sa Amerika. So mas maigi na raw ‘yung may ginagawa siya kesa sa matengga lang sa bahay nila sa piling ng kanyang girlfriend ayon sa source.
Hindi naman daw pera ang problema nito, kundi wala lang talagang offer kaya nanghihiÂnayang na rin sa kikitain.
May mga naipon naman daw ito pero kung puro palabas nga naman ang pera, aba mauubos din ‘yun.
Cristine pang-best actress sa When the love…
Second week na sa mga sinehan ang pelikulang When the Love is Gone.
Napanood ko na ang movie na dinirek ni Andoy Ranay at pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Alice Dixson, Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, and Jake Cuenca.
In fairness magagaling silang lahat. Nakakaloka rin ang ibang twist at hindi predictable ang ending.
Walang nagpahuli sa kaÂnilang lahat sa aktingan. Si Cristine talaga, angat sa mga kapanabayan niya kung acÂtÂing ang usapan.
Si Gabby naman biglang naging hot sa paningin ng mga nanood kahit 50 anyos na.
At si Jake ang galing sa role na bading na asawa ni Cristine. Kung hindi siya kilaÂlang macho, maniniwala ka ngang bakla siya.
Bagay namang mag-ina ni Gabby sina Alice and Andi na iniwan dahil nga kay Cristine. Parehong mataray ang hitsura ng mukha ng dalawa kaya na-justify nila ang pagiging magkadugo nila sa pelikula.
Remake ang pelikula ng classic film ng beteÂranong director na si Danny Zialcita sa Nang MaÂgalit ang Buwan sa Haba ng Gabi at kung nabubuhay lang siguro siya ngayon, malamang kasama siya sa mga pumuri sa modern version.
Magaling ang pagkaka-edit at naging justifiable sa kuwento ang production design.
Sumakto rin ang ginamit nilang music.
Kung hindi pa kayo nakakapanood, palabas pa ito sa mga sinehan. Produced ito ng Viva Films para sa kanilang 32nd anniversary.
Sarah pabibilibin ang mga Cebuano
Matapos punuin ang Araneta Coliseum at SM MOA Arena, sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino hahataw ngayong gabi si Sarah Geronimo para sa kanyang 10th anniversary concert, Perfect 10.
Excited mag-perform si Sarah dahil matagal-tagal na rin nang huli siyang mag-concert sa Cebu.
Ibang level ang power ni Sarah ngayon at saka talagang feel na feel niya ang bawat kanta.
Tickets are priced at P3,500, P2,500, P1,500 and P600.
- Latest