Christmas Short Films ng GMA Network, nasa ika-walong taon na
MANILA, Philippines - Lalong pinagtibay at isinapuso ng GMA Network sa pamamagitan ng sales and marketing arm nito na GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI) ang kanilang taunang tradisyon na maghandog ng mga makabuluhang Christmas short films sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Sa pakikipagtulungan ng GMPI sa GMA Kapuso Foundation, ang mga sponsors ng mga short films ay mag-aabot ng donasyon para sa relief operations ng Foundation partikular na sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Kaakibat ng GMPI ang Cebuana Lhuillier, Smart HelLow, So Lucky Soda Crackers, at KFC sa ika-walong taon ng GMA Christmas Short Films. Tampok sa mga ito ang iba’t ibang Kapuso artists na magbibigay buhay sa mga makukulay na karakter sa bawat kwento.
Isang lalaki ang magbabalik tanaw sa mga hirap at tagumpay na pinagdaanan ng kanyang pamilya sa Iskolar ng Cebuana Lhuiller. Pagbibidahan ito nina Benjamin Alves at Vincent Magbanua.
Matutunghayan naman ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa From Dubai with Love ng Smart HelLow. Saksihan ang nakakatawang sorpresa na nag-aabang para sa kanilang pamilya na laman ng isang Balikbayan box.
Sa Kahati ng Kahapon ng So Lucky Soda CracÂÂÂkers, nagbabalik si Niño, ang bida sa award-winning short film na Hating Kapatid. Makikilala niya ang isang batang lalaki na magpapaalala sa kanya ng kabutihan na pinakita sa kanya ni Nanay Perla (Perla Bautista). Ang papel ni Niño ngayon ay gaÂgampanan ni Jak Roberto.
Base naman sa tunay na kuwento ng isang batang babae ang Munting Sakripisyo ng KFC. KaÂsama sina Barbara Miguel, Milcah Nacion at Kris Bernal, tiyak na magbibigay inspirayon ang kanilang pagsasabuhay sa isang araw sa buhay ng 9 na taon na si Norhana.
Mula nang ipakilala ang mga GMA Christmas short films noong 2005, kaliwa’t kanang papuri at pagkilala na ang natanggap ng GMPI mula sa mga manonood at maging sa mga lokal at international award-giving bodies.
Mga beterano sa aktingan, sasabak sa biritan
Ang mga beteranong aktor na sina Rez Cortez, Tirso Cruz III, Dennis Padilla, Tina Paner, at SheÂryl Cruz naman ang magsasalpukan sa The Singing Bee ngayong Sabado (Disyembre 7) para sa pinakaaasam na P1 milyong jackpot.
Kung sa aktingan ay tinitingala na sila ng marami, mapahanga rin kaya nila ang mga manonood pagdating sa pahulaan ng tamang lyrics?
Sino sa kanila ang magwawagi at haharap sa defending champion na si Bugoy Drilon sa Final Countdown round?
Nakapag-uwi na ng P40,000 si Bugoy matapos nitong talunin ang two-week defending champion na si Eric Fructuoso sa nakaraang episode.
May makakapag-uwi na kaya ng jackpot? Maki-BEErit sa bagong BEEsyo ng bayan na The Singing Bee ngayong Sabado kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.
Miss Earth bibisita sa GRR
Tutok lang ngayong Sabado alas-nuwebe ng umaga sa GMA News TV lifestyle show na Gandang Ricky Reyes upang matunghayan ang mga naggagandahang dilag mula sa iba-ibang bansa sa isang preliminary competition na taunang ginaganap sa mala-paraisong Golden Sunset Resort Inn and Spa sa Barangay Uno, Calatagan, Batangas.
Ang nagwaging Miss Golden Sunset ay si Anastasia Suhk ng Ukraine at si Punika Konsuntornrat ng Thailand ang tinanghal na Miss Gandang Ricky Reyes.
Malapit na ang Pasko at ang mga kabataang mayÂÂsakit na naninirahan sa Childhaus ay ipinag-shopping ng kanilang mga Ninang (members ng Metro Manila Spouses Foundation) sa SM Megamall. Tuwang-tuwa ang mga bata na umuwi sa temporary shelter for sick children bitbit ang mga bagong damit, sapatos at laruan mula sa mababait na Mrs. Santa Claus ng kanilang buhay.
Ipakikita rin sa show ang pirmahan ng agreement para sa ilulunsad na Mr. and Ms. Sogo Ambassadors na ang blow by blow happening ay sa GRR TNT ipapalabas.
Ang GRR TNT ay prodyus ng Scripto-Vision at napapanood tuwing Sabado hosted by beauty guru and salon czar Mader Ricky Reyes.
- Latest