^

PSN Showbiz

Anne nagpasalamat kay Phoemela, Paul Walker nakilala lang sa dental records

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Ang autopsy report tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Paul Walker sa car crash noong November 30.

Nasunog si Paul at nakilala lamang siya dahil sa kanyang dental records: Paul Walker died from the combined effects of traumatic and thermal injuries.

Scene : Maarteng babae mula sa Amerika ang role ni Ruffa Gutierrez sa Girl Boy Bakla Tomboy.

Hindi nahirapan si Ruffa sa kanyang role sa filmfest entry ng Star Cinema at Viva Films.

Seen : Katsipan ang bangayan sa senado nina Senators Juan Ponce Enrile at Miriam Defensor-Santiago dahil tinalo pa nila ang away ng mga starlet sa showbiz.

Scene : Hindi na sineseryoso ang mga bagong rant ni Claudine Barretto laban sa kanyang soon-to be-ex-husband na si Raymart Santiago.

Seen: Ang pasasalamat ni Anne Curtis kay Phoemela Barranda dahil sa pag­lilinaw na ginawa nito tungkol sa gulo na kinasangkutan niya.

Scene: Bumalik  kahapon sa London si Miss World 2013 Megan Young. Umuwi lamang ng Pilipinas si Megan dahil dinalaw at binigyan niya ng tulong ang mga survivor ng Typhoon Yolanda.

Seen : Pinatunayan ni Kim Atienza na mabait na tao ang kanyang Its Showtime co-host na si Anne Curtis.

Pinuri ni Kim si Anne sa presscon kahapon ng Atienza Natural, ang herbal dietary supplement na kanyang ini-endorso.

Scene : Unang pelikula ni WinWyn Marquez ang 10,000 Hours.

Excited si WinWyn sa pagsakay niya sa float sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2013.

 

ANNE CURTIS

ATIENZA NATURAL

CLAUDINE BARRETTO

GIRL BOY BAKLA TOMBOY

ITS SHOWTIME

KIM ATIENZA

MEGAN YOUNG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PAUL WALKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with