Leader ng isang sekta masama ang intensyon sa mga ka-miyembro
MANILA, Philippines - Isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming klase ng relihiyong pinaniniwalaan; Katoliko, Muslim, Iglesia, Buddhist, Sabadista, at hindi rin pahuhuli ang mga Rizalista.
Bilang mga Pilipino, tinatanggap natin at nirerespeto ang kung ano mang mga paniniwala ng ating kapwa— Na siya namang pinagsasamantalahan ng ibang tao.
Ngayong Sabado, tunghayan ang kuwento ng isang ama na sa pagnanais magbigay ng tahimik at payapang buhay para sa kaniyang pamilya, ay masasangkot sa isang kahina-hinalang relihiyon. Dahil sa maganda ang idinulot nito sa samahan ng kaniyang pamilya, buong-pusong tinanggap ni Mang Fred ang mga turo ng kanilang lider na si Chief Fernan.
Pero paano kung malaman niya na may masama palang intension ang kanyang sinusunod na leader?
Paano kung malaman niya na kapalit ng mapayapang pamumuhay ay may matinding kapalit na hihingin si Chief Fernan sa kanyang mag-ina?
Alamin ang kinahantungan ng kuwento ni Mang Fred at ng kaniyang pamilya Sa Ngalan ng Pananampalataya, sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Loi Argel Nova. Jomari Yllana stars as Mang FerÂnan, kasama sina Michael de Mesa, Ana Capri, Marc AcueÂza, JM Reyes, Kimberly Fulgar, Mel Kimura, at Elle Ramirez, sa direksiyon ni Neil del Rosario.
Huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.
- Latest