^

PSN Showbiz

Green archers at Red Lions maghaharap para sa mga binayo ng bagyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tanyag na koponan - ang kampeon ng UAAP na De La Salle University Green Archers at ang bigating kampeon ng NCAA na San Beda Red Lions - ang maglalaban sa hard court ngayong Sabado, Disyembre 7, para sa exhibition game na Champions for a Cause.

Magsisimula ang laro ng 12 ng tanghali mula sa SMART Araneta Coliseum at mapapanood ng LIVE sa TV5. Ang special na exhibition game, na pagtatanghal ng MVP Sports Foundation at Filoil Flying V, ay may layunin na makalikom ng pera para sa mga nasalanta ng Typhoon Yolanda.

“Sports5  is  privileged  to  be  collabora­ting  with  the  schools  and  Filoil  Flying  V  in presenting this rare basketball game where the two best collegiate teams will be giving their  best for the victims of  Typhoon Yolanda. Basketball  fans will  surely enjoy this game where everyone wins,” ani Chot Reyes, Sports5 Head.

Kagagaling lang ng Red Lions mula sa kampanyang Roar for Four kung saan nakamit nila ang ika-apat na kampyonato sa NCAA basketball.

 Pangungunahan ang team ni coach Boyet Fer­nandez at inaasahan niya sina Art Dela Cruz, Baser Amer, at Rome Dela Rosa para manguna.

Ang mga big man na sila Ola Adeogun at  ang Semerad twins  na si  David  at  Anthony ang magbabantay naman sa ilalim. Tagumpay  na  nakamit  ng  Green  Archers  ang ika-­walong  basketball championship noong Oktubre sa pamumuno ni coach Juno Sauler. Ang popular na sophomore guard na si Jeron Teng ang inaasahan kasama sina Jason Perkins, Almond Vosotros, at Arnold Von Opstal.

Mabibili ang mga tickets sa Ticketnet sa presyong P 1000 for Patron; 500 for Lower Box; P 300 for Upper Box A; P 150 for Upper Box B at P 20 para sa General Admission.

Mapapanood ang replay ng  Champions  for  a Cause sa  AksyonTV,  9 p.m.

ALMOND VOSOTROS

ARANETA COLISEUM

ARNOLD VON OPSTAL

ART DELA CRUZ

BASER AMER

BOYET FER

CHOT REYES

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with