Naka-move on na talaga sa sampalan Anne at John Lloyd nagsama na sa event ng ini-endorsong telepono
SEEN : Si Enrique Gil sa taping ng Mirabella sa Trinoma noong Martes.
Ang Mirabella ang upcoming teleserye ng ABS-CBN at biggest break sa telebisyon ni Julia Barretto.
SCENE: Magkakasama sa isang mobile company event sina Anne Curtis, John Lloyd Cruz, at JM Rodriguez, isa sa mga may-ari n g Prive Luxury Bar, siyam na araw pagkatapos mangyari ang random slapping ni Anne kina John Lloyd, JR Isaac, at Leah De Guzman.
Nag-move on na sina Anne, John Lloyd, at JM. That’s enterÂtainment!
SEEN: Sina Marian Rivera at Kris Aquino sa Asian TV Awards na magaganap ngayong gabi sa Resorts World Sentosa, Singapore.
Nominated si Kris sa Best Presenter/TV Host para sa Kris TV at nominated si Marian Rivera sa Best Actress in a Leading Role category dahil sa pagganap niya sa Temptation of Wife.
SCENE: Kalaban ni Marian Rivera sa Best Actress in a Leading Role category si Lorna Tolentino, ang lead actress ng Pahiram ng Sandali.
SEEN: Nominated sa Best Comedy Actor category ng Asian TV Awards si Michael V. ng Bubble Gang, GMA 7.
SCENE: Ang reunion nina Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri ng Encantadia sa Gandang Gabi Vice sa Linggo, December 8.
SEEN: May discomfort na nararamdaman ang viewers kapag napapanood nila ang pagsasalita ni Maricel Soriano sa mga eksena nito sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, ang official entry ng Viva Films at Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2013.
SCENE: Hindi dapat binibigyan ng ilusyon na aktres ang TV showbiz reporter na si Luane Dy dahil hindi siya marunong umarte sa Genesis. Nagre-report lang ng showbiz news ang acting ni Luane.
- Latest