Iya at Drew ikakasal na sa january, Vic at Pauleen nakapila na rin!
PIK: Feeling ni Maxene Magalona, suwerte nang gumanap siyang kontrabida sa Basang Sisiw, dahil pagkatapos nito lalo raw gumanda ang career niya at nakakatanggap pa siya ng mga endorsements.
Isa na rito ang Flawless na kung saan siya ang model ng ISkin. Kaya malaki ang pasasalamat niya dahil kahit nalilinya siya sa kontrabida roles, pinagkatiwalaan pa rin siyang mag-endorse ng isang produkto.
Kung sakaling mabigyan daw siya uli ng kontrabida role, tatanggapin daw niya, dahil aminado naman si Maxene na may pagkakontrabida naman daw siya sa tunay na buhay.
PAK: Walang kamalay-malay si Angelika dela Cruz na meron palang progÂrama si Sharon Cuneta na Madam Chairman sa TV 5.
Nagtataka raw siya bakit Madam Chairman ang tawag sa kanya ng mga ka-barangay niya sa Malabon, bilang bagong halal na barangay captain sa kanilang lugar.
Huli na lang daw niya nalaman na kaya pala Madam Chairman ang tawag sa kanya, base sa programa ng megastar.
BOOM: Inaasahang maraming kasalan tayong masasaksihan sa susunod na taon dahil sa may mga naririnig na kaming nakatakdang magpaÂkasal sa taong 2014.
Sa January daw ay ang kasalang Drew Arellano at Iya Villania, at sa Marso naman daw sina Karylle at Yael Yuzon.
Bahagyang nagulat si Dingdong Dantes nang hiningan ito ng reaksiyon sa balak na pagpapakasal ni Karylle. Masaya raw siya para sa dating kasintahan.
Ang isa pang inaabangan naming magkumpirma ng kasal ay sina Dingdong at Marian Rivera, at malay natin baka pati sina Vic Sotto at Pauleen Luna.
Abangan!
- Latest