^

PSN Showbiz

Dingdong mga binagyo ang gustong kasama sa Noche Buena

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Plano raw ni Dingdong Dantes na magdiwang ng Kapaskuhan sa isa sa mga lugar sa Visayas na matinding nasalanta ng bagyong Yolanda kamakailan.

Gustong makasama at matulungan ng aktor ang mga kababayan nating nabiktima roon. “It’s better to go unannounced. Ito namang mga bagay na ito, it comes from the heart and no need for any fan fair. Kung may oras naman kami, if we can spare a little bit of our talent and kung ano man ang puwede na­ming ipagkaloob at ibigay sa kanila. If we do it always naman on Christmas, bakit hindi doon?” bungad ni Dingdong.

Ayon sa binata ay likas daw talaga sa ating mga Pinoy ang pagiging matulungin lalo na’t sa panahon na marami ang nangangailangan. “Kung on normal days nga, normal years, ang pagka-Filipino lumalabas tuwing Pasko, nagiging generous tayo. Siguro mas lalo na ngayon nagiging evident dahil alam nating may nangangailangan. In our own ways, may mga inaabot tayo,” paliwanag ng aktor.

“Relief can only last for so long. The task mainly is how to rebuild lives, homes. Hindi naman siguro makakaya ng kung sino mang maatasan to do every­thing instantly and rapidly. Malaking bagay ang pagtutulungan at like what I say, no matter how small, ang importante, naka-contribute ka. In times like this, everyone is very important,” giit pa niya.

Samantala, balak din daw ni Dingdong na makipagtulungan sa Department of Education para maipagawa ang mga nasirang silid-aralan sa isang bayan sa Iloilo na napuntahan din ng aktor kamakailan.

Jericho mahigit isang taon nang absent sa teleserye

Mahigit isang taon nang hindi napapanood si Jericho Rosales sa isang teleserye. Sa susunod na taon ay muling sasabak ang aktor sa soap opera kasama nina Angel Locsin at Maja Salvador.

Masayang-masaya si Jericho dahil naging bahagi siya ng The Legal Wife. “Masaya. Intense ‘yung plot pero sa set namin, masaya kami. Kalog si Maja, sobra. It focuses on marital relationships. Love story siya pero medyo malalim, medyo intense. It’s a great subject matter. Kami ni Angel ang mag-partner,” nakangiting pahayag ni Jericho.

Samantala, kamakailan ay pumirma ng three-picture contract ang aktor sa Viva Films kaya muli raw nakagawa ng proyekto si Jericho sa nasabing film outfit.

Ang pelikulang ‘Aba Nakakabasa na Pala Ako’ ay base sa aklat ni Bob Ong. “It’s a reunion film with Viva kasama si Andi Eigenmann, Vandolph, Meg imperial. It’s a fun 80’s film, throwback. Sabi nila, January ipapalabas,” pagtatapos ng aktor.

Abala na rin ngayon si Jericho sa paghahanda para sa nalalapit nilang pagpapakasal ng kasintahang si Kim Jones. Reports from JAMES C. CANTOS  

 

                                                 

 

ABA NAKAKABASA

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

BOB ONG

DEPARTMENT OF EDUCATION

DINGDONG DANTES

JERICHO ROSALES

KIM JONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with