Aktor na may GF na eskandalosa kumpirmadong nakikipagtikiman sa girl na may koneksiyon sa showbiz
MANILA, Philippines - Nagtitikiman daw talaga ang isang aktor na may girlfriend na actress at isang girl na may koneksiyon din sa showbiz.
Ito raw ang secret date ng aktor sa mga pinupuntahan niyang sosyalan kaya maraming kaibigan ng actor at ng girl na alam ang kanilang ginagawa. Pero tino-tolarate raw ang actor at ng mga kaibigan ng babaeng sikat din sa kanyang trabaho.
Sa higpit pala ng aktres na girlfriend ng aktor, nalusutan pa siya.
Kalokah.
Pinagpipiyestahang sampalan pawala na!
Ay mukhang matatapos na ang pinagpipiyestahang isyu kina Anne Curtis and John Lloyd Cruz.
Ang sabi ng isang source, hindi raw nahagip ng CCTV sa sosyal na bar ang pangyayari at maging ang sinasabing pananampal din ni Anne sa aktor sa iba pa nitong kaibigan.
Basta raw ngayon ay wala nang gustong magsalita dahil nag-usap na ang grupo at nagkaayus-ayos na raw. Like Phoemala Baranda na nagsalita sa TV Patrol kagabi at sinabing hindi naman nag-dialogue si Anne sa kanya ng “‘I can buy you, your friends, and this club!†Hindi rin daw siya nakatikim ng sampal. May sinabi raw sa kanya si Anne pero hindi niya naman ikinuwento.
Pero ayon sa isang source, naiinis daw ang circle of friends nila kay JR Isaac na nagpa-interview matapos tanggapin ang apology ni Anne.
Dagdag pa ng source, hindi na raw talaga magpapa-interview si Anne dahil baka marami pang maungkat sa mga taong sangkot.
Kaloka, sayang naman dahil kahit anong kulit ko sa kausap ko sa telepono, ayaw nang magsalita ng kausap ko.
Bayan ni Edu tutulungang makabangon ng rotary
Nag-donate ang Rotary Club of Makati South through Edu Manzano ng P720,000.00 na gagamiting pambili ng 48 pump boats para sa hometown ng TV host, ang Concepcion, Iloilo na isa sa inabot ng bagsik ng bagyong Yolanda last month.
Personal palang nakikipag-usap sa iba’t ibang organizations para matulungan ang kanyang bayan ang host ng What’s Up Doods.
Kasama sa mga nagdesisyon na matulungang makabangon ang Concepcion ng Rotary of Makati South sina President Ritz Estorco, Past Presidents Louie Vega, Dars Padilla, and Joey Leagogo.
Samantala, ang Ako Mismo Movement na brainchild ng ama ni Luis Manzano ang naatasang ng isang US Foundation na mangasiwa ng command centers para sa mga winasak na lugar ng bagyo para makarating ang tulong sa mga biktima dahil ngayon nga ay nagkakaroon ng problema sa distribution sa tulong sa mga lugar na sinalanta.
‘Yung ngang isa kong kaopisina na biktima ang pamilya ng bagyo wala namang nakukuhang relief goods ‘yun pala ang daming donations na hindi nakakarating sa mga kailangang tulungan. Kalungkot.
Dingdong nakita ang mga batang nag-aaral na walang classroom
Namigay ng tulong si Dingdong Dantes at ang kanyang Yes Pinoy Foundation sa Estancia, Iloilo (isa sa apektadong lugar ng bagyong Yolanda) kasama sina Max Collins at Rochelle Pangilinan.
Pangarap din ni Dingdong at kanyang YPF na magtayo ng mga bagong classroom sa area dahil nasaksihan niya na patuloy na nag-aaral ang mga bata sa labas lang, walang classroom. Hangad ni Dingdong na tulungan silang maitayo ang kanilang paaralan.
Angelica nagsalita na sa kasal nila ni John Lloyd
Marami sanang nae-excite sa sasabihin ni Angelica Panganiban tungkol sa nangyari kina Anne Curtis at John Lloyd Cruz.
Kilalang palaban si Angelica at walang inuurungan pero ngayon ay nanahimik siya. Balita kasing binusalan siya para hindi mag-react sa isyu.
Samantala, sinabi ni Angelica na hindi naman daw niya pini-pressure na pakasalan siya ng aktor na kontrobersiyal sa kasalukuyan. “Yung mga ganun naman, hindi mo naman puwedeng bigyan ng deadline. Hindi ko naman puwedeng sabihing ‘Ay, ayaw mo?’ Maghahanap ako ng lalaking gusto akong paÂkasalan ngayon na. Hindi naman maganda ‘yun,†sabi ni Angelica sa Kris TV.
Nauna na kasing lumabas na gusto na raw niyang magpakasal pagdating ng 28, eh 27 na siya ngayon.
- Latest