^

PSN Showbiz

Unang Indie film ni Diane Ventura nag-iikot sa ibang bansa.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy na ang paglabas ng pelikulang TheRapist na unang pagsabak ni Diane Ventura sa filmmaking.

“When I made it, I just wanted to do it for the sake of doing it, as part of my learning pro­­cess,” sabi ni Diane bilang director ng proyekto.

Kahit baguhan, nakakuha ng paghanga mula sa International Film Festival Manhattan (IFFM) nung 2012 ang TheRapist dahil napasama ito sa listahan ng most popular films at best short film na nakalaban ang 42 other shorts mula sa iba’t ibang bansa. Pinagbibidahan ng bete­ranang si Cherie Gil at ng baguhang si Marco Morales ang pelikulang may hatid na sindak at mapag-iisip ang manonood.

Pero kuwento ni Diane, aksidente lang ang pagkakapasok ng TheRapist sa IFFM. “It was practically a shelved project,” sabi niya na biglang nabago ang takbo.

Matapos ang tagumpay na exhibition nito sa New York, mapapanood na sa online ang TheRa­pist sa Dec. 6 na exclusive lang sa Viddsee (https://www.viddsee.com/), isang Singapore-based online media platform na may lumalawak na catalogue ng mga award-winning short film mula sa kanilang sari­ling filmmakers.

Isang buwang featured film ang pelikula ni Diane na unang nakilala sa mundo ng musika dahil kay Ely Buendia. Ang kanyang production outfit na DVent ay aktibo noon sa mga concert at independent video production. Matagumpay din niyang naitawid ang pagiging executive producer ng mga sold-out arena show ng The Eraserheads sa US, Canada, Dubai, at Singapore.

Kamakailan naman ang music video na co-produced niya, ang 20/20 ng Pupil, ay nananalong best music video sa global style music videos/shorts category ng IFFM ngayong taon.

Sabi ni Diane, “I kept directing at bay because I became preoccupied with the business aspect of things. I studied all aspects of filmmaking here (in New York): Scriptwriting, cinematography, acting, digital filmmaking, and directing. I figured, why not put all the things I studied into action?”

Sa kasalukuyan ay may tinatapos na rin siyang dalawang pelikula. Ang isa ay tatalakay sa “psychosis, hypnosis, altered states of consciousness, (and) perception,” na lalabasan ng magaga­ling na Filipino talents.

Sa kanyang mga pelikula ipinapakita ni Diane ang impluwensiya nina David Fincher at Alfred Hitchcock.

 

ALFRED HITCHCOCK

CHERIE GIL

DAVID FINCHER

DIANE VENTURA

ELY BUENDIA

INTERNATIONAL FILM FESTIVAL MANHATTAN

MARCO MORALES

NEW YORK

WHEN I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with