^

PSN Showbiz

John Lloyd ayaw nang makigulo, mananahimik daw sa isyu ng sampalan!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dapat ay magsilbing isang magandang aral sa mara­ming mga artista at marahil hindi lamang sila kundi lahat ng mga may malalaking pangalan at tinitingala sa mundong kanilang ginagalawan ’yung pangyayari sa isang bar na pag-aari ng isa ring taga-showbiz na si JM Rodriguez at sangkot ang mala­king artista na si Anne Curtis. Kung hindi marahil naparami ang ininom ng aktres at napaka-in demand na pro­duct endorser ay baka walang sakitang naganap at walang kahihiyan na pinagsisihan niya nga­yon at ma­ging ng mga taong naka­engkuwentro niya.

Pero dahil ayaw nang pahabain ng aktres ang pangyayari at gusto na lamang niyang matapos ang isyu kung kaya hindi lamang siya kundi maging ang kanyang nakaaway at na­­kasakitan (John Lloyd Cruz, Phoe­­mela Baranda, JM, at iba pa) ay pareho nang humingi sila ng dis­pensa sa isa’t isa. Balitang na­galit si Anne nang sunud-sunod na katukin sa comfort room kaya paglabas na paglabas nito ay agad pinagsa­sampal ang mga nangatok sa kanya.

Pero hanggang nagkaroon daw ng palitan ng mga masasamang salita, si John Lloyd ay nanatiling ta­himk lamang at hindi nakisali sa gulo.     

Kasakiman, ugat ng kahirapan

Nabasa ko sa diyaryo kahapon na ang kasakiman ng maraming namumuno sa bansa ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang hindi makaahon sa kahirapan. Mahirap ang marami sa atin dahil mas inuuna ng mga namumuno sa atin ang kanilang mga sarili bago tayo. Kung ’yung mga maling paggamit ng pork barrel ay nagamit sa ating kapa­kanan, hindi man tayo magiging mayaman ay hindi naman din tayo ganito kamiserable.

Hindi lamang naman ang mga namumuno sa ating bayan ang may malaking kasalanan sa tao. Maging ’yung lider ng mas maliiit na organisasyon, samahan, at kahit na simpleng grupo, na ganid sa salapi at kapangyarihan ay sangkot sa graft and corruption. Mas nakalalamang ’yung huli dahil lahat naman ng kasamaan ay bunsod ng kagustuhang magkapera sa madaling pamamaraan, kahit pa masama ito.

Ang kabutihan lamang ang mag-aangat sa atin sa kahirapan. Pero paano ba mamamayani ang ka­utihan kung ang sistema ay mali at pinatatakbo ng mga may masamang budhi?

PPL artists masayang nakipagkuwentuhan sa simpleng hapunan

Napaka-simple ng kauna-unahang Christmas get together for the entertainment press na ibinigay ng PPL Entertainment, Inc. na pinamumunuan ni Perry Lansigan katuwang ang mga inaalagaan nilang artista tulad nina Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, LJ Reyes, Carl Guevara, Angelika dela Cruz, Arthur So­linap, Carlo Gonzales, Dingdong Dantes, Max Collins, Rochelle Pangilinan, Janno Gibbs, at Wendell Ramos.

Isang simpleng hapunan lamang ’yun pero eat all you can. Hindi nagtipid sa pagkain. Wala yatang dumating ang hindi na­­bundat sa napakasarap at napakaraming pagkain na pinagsaluhan. Nagsilbing himagas bagama’t hindi rin nagkulang dito ang kainan na pinagdausan ng get-together, ’yung pangyaya­ring habang kumakain ang lahat ay nakakausap ’yung mga PPL ta­lent. I’m sure na sa mga susunod na mga araw ay pawang mga talent ng PPL ang magiging tampok sa mga panulat ng movie writers.

Merry Christmas din sa PPL and thanks for that wonderful dinner and Christmas gift!

Pagpasok ni Robin sa serye ni Kylie hinihintay na

Nakilala na kagabi ang tunay na katauhan ni Adarna na ginagampanan ni Kylie Padilla. At bagama’t hinihintay na ng marami ang pagpasok sa kuwento ng kanyang amang si Robin Padilla na gaganap din ng role ng ama niya sa serye, nasiyahan na ang manonood na makita ang pinanggalingang Pugad Sanghaya ni Adarna.

Charice atat nang makipagbati sa pamilya

Obvious na in love na in love si Charice at ang girlfriend niyang si Alyssa. Ang ganda ng duet nila sa Kris RealiTV na muling ipinamalas ng international singer ang kanyang talent na naglagay sa kanya sa international list of singers.

Sana rin patulan na ng mga magulang at pamilya ang mensahe ng pakiki­pagbati na inaaabot niya sa kanila sa pamamagitan ng isang kanta. Obvious na gusto na nitong makipagbalikan sa kanyang naka­galitang pamilya.

 

ADARNA

ANNE CURTIS

ARTHUR SO

CARL GUEVARA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with