Sikat na aktres may emote kay Anne
PIK: Nairaos ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan ang Christmas party para sa movie press na ginanap sa Casa Filipino nung isang gabi.
Si Dingdong Dantes ang tuwang-tuwa dahil kahit alam daw ng mga reporter na walang raffle at games, ang dami pa ring pumunta dahil alam nilang may maitutulong sila sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Ibinigay sa Yes Pinoy Foundation para sa ipapaÂtayong classrooms sa Estancia, Iloilo na sobrang nasalanta ng bagyo at naoil spill mula sa barkong sumadsad sa naturang lalawigan ang gagastusin sana sa nasabing party.
Kaya malaki ang pasasalamat ni Dingdong kasama ang iba pang talents ng PPL sa lahat na movie press na nakiisa para maging makabuluhan ang naturang Christmas party.
PAK: Proud na proud si Kris Aquino sa anak niyang si Bimby Yap, Jr. dahil sa magaling pala itong sumayaw.
May dance number si Bimby kasama si Ryzza Mae Dizon sa mga mall show nila para sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang My Little Bossings.
Tanggap ni Kris na namana ni Bimby ang flair nito sa pagsasayaw sa daÂting asawang si James Yap. Wala naman daw kasi siyang talent sa pagsasayaw kaya alam niyang namana ng bunso ang groove ng tatay nitong basketbolista.
BOOM: Dahil sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Anne Curtis, may mga lumalabas tuloy na kuwentong malaki na raw talaga ang ipinagbago ng Kapamilya actress.
’Yung dating cute at nakakatuwa niyang ugali ay nawawala na raw dahil sa yumabang naman daw talaga ito.
Naalala namin ang kuwento ng isang sikat na aktres na dating nakatrabaho ni Anne na napansin nga raw niya ang malaking pagbabago ng Kapamilya actress.
Kapag nagkikita raw sila dati, ang sweet pa nitong bumabati at nakikita mong tuwang-tuwa itong nakikita niya itong si sikat na aktres. Pero ngayon daw ay “hi†lang ang bati niya at wala na raw ang warmth na dating nararamdaman niya mula kay Anne.
- Latest